[Jade's Pov]
So yes, hindi nga ako pumasok kahapon and now, I am craving for food! No breakfast served.
I need my yaya!
I hate you daddy! I hate you!
Inis akong lumabas ng apartment ko dala ang bag ko. This is my first time going to school ng hindi kumain ng almusal.
Damn, it really frustrate me!
Inis akong pumasok sa elevator and about to push the button to close it but someone enters.
Pipindutin ko na sana ang numero nang magsalita ito.
"Aren't you going out?" his deep and intimidating voice didn't bother me, dahil gutom ako.
Dahan dahan ang paglingon ko habang nakataas pa ang kaliwang braso ko habang nakaturo ang hintuturo para pindutin ang button.
Only his right eye and lips ang nakikita ko dahil nakaharang bangs niya sa muka niya.
He have this long hair, it looks messy but looks cool on him.
"Bakit sana?" mataray kong tanong.
"Ayoko ng may kasabay kaya lumabas ka na." napamaang ako dahil sa sinabi niya at naibaba ang kamay ko.
"Ano namang pakealam ko kung ayaw mo? E' 'di ikaw ang lumabas! Tae! Ako pa mag-aadjust para sa 'yo? Hala sige labas!" ipinagtulakan siya palabas ng elavator.
Narinig ko pang nagmura ito bago sumara ang elevator.
Tsk! Gutom na gutom pa naman ako tapos ganoon ang bubungad?
Nang makababa na ako sa ground floor ay lumabas na ako at pumara ng masasakyan at pumunta na sa school.
Pagkarating ko ay sumalubong si Lyra at Lara sa akin.
"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" They asked.
"Ano naman ngayon?" pagmamaldita ko at inirapan pa silang dalawa.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Hinihintay ka," I gave them a disgusted look, why would they?
"Bakit?" I asked.
"Ganito kami sa kaibigan," gulat akong napalingon at natawa.
"Sorry dear but I don't make friends. Thanks for waiting but girls, you don't have to," iniwan ko sila doon, hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba silang kaibiganin?
Pumaroon na ako sa room namin at agad naupo sa upuan ko.
Maaga pa. Gusto ko mang kumain ay tinatamad naman ako.
Habang tinitiis ko ang gutom ay nagsisidatingan ang iba at binibilang ko pa kung ilan na kami.
Nakakabaliw.
Hanggang sa pumasok ang nakaaway ko kahapon.
Akalain mo nga namang kaklase ko pala ang hinayupak na ito.
Matalim niya akong tinignan kaya nilabanan ko ang titig niya.
Malalaki ang mga hakbang nito na naglakad patungo sa akin at hindi inalintana ang sakit ng binti na tumatama sa edge ng mesa.
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE, MINE ALONE [COMPLETED]✓ [Under Revision & Editing]
Diversos[COMPLETED] No one dare to take what's mine, because She's Mine, Mine Alone! ~Dwayne Nizjizono~