Chapter something
Fried chicken ba to?
Ibang klaseng fried chicken to.
Fried chicken to ng mayayaman.
“Ano? Napatahimik ka dyan? Tara na” sabi ni rich kid at umupo na siya.
Sumunod agad ako sa kanya at umupo na.
Grabe, ibang klase pala ang fried chicken ng mayayaman. May mga gulay design pa sa gilid.
At yung amoy. . . nakakabusog na agad.
“Kakain ka ba o tititigan mo lang yan?” sabi ni rich kid, hawak hawak na niya yung spoon at fork.
Ok. Eto na. Moment of truth.
Titikman na natin ang fried chicken ng mayayayaman.
Pero bago ko kainin yung fried chicken, may napansin akong hindi tama. . .
“Teka, nasan yung gravy?” sabi ko.
Dapat may gravy to! Inseparable ang gravy ang chicken! Parang fork and spoon, shoes at socks, french fries at ketchup, mangga at bagoong. . . hindi sila pwede magkahiwalay!
“Ayan sa harapan mo ang sauce oh” sabi niya habang nakaturo sa may maliit na lalagyan na may puting sauce sa loob.
“Hindi yan gravy” sabi ko.
“Sinabi ko bang gravy yan?” sabi niya.
“Pero mas masarap to sa gravy!” sabi ko.
“Bakit? Na-try mo na ba yan?” sabi niya.
“Hindi pa” inamin ko.
“You know, sometimes you got to try new things. Just because you’re used to something doesnt always mean that they’re the best. Pano mo malalaman kung hindi yan mas masarap kung di mo susubukan” sabi niya sakin.
Woah.
BINABASA MO ANG
Bratinella (on hold)
Romance(Troputik's Jam sidestory) Ella Tremaine is not your average Cinderella. Yes, she has a stepmom and stepsisters but in school, she is her schoolmates worst nightmare. Can a boy change Ms. Popular's BRATTY personality?