chapter 6

10.3K 368 267
                                    

"Hoy ano ba! May klase pa ako!" sabi ko sa lalaking to habang hinihila niya ako.

Ano na nga ba ulit ang pangalan niya? Jameson Bandera? Manila?

"Teka, diba siya si Jameson Manela?!" sigaw nung isang girl at biglang nagfangirl ang lahat.

What the? Kilala nila ang ninja na to? At pano ba siya nakapasok sa school namin eh kelangan ng I.D para makapasok?

"Bakit sinundo ni Jam ang bitch queen?" mataray na sinabi nung isa.

Wow. Bitch queen. Tss. Yun na ba ang best mo?

I am a queen and a bitch. So yeah, siguro matatawag mo akong bitch queen.

Sikat ata tong Jameson na to.

"Hoy lalake, bakit ka kilala ka dito sa school namin?. . . teka. . . bugaw ka noh?" sabi ko.

O kaya baka rapist o snatcher siyaO___O

"Ha? Ano ang bugaw? Yun ba yung malaking langaw?" sabi niya sakin.

. . . . nagjo-joke ba siya? Tiningnan ko ang mukha niya pero seryoso siya.

"Nevermind pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" sabi ko.

"Kung bakit nila ako kilala? Hmm. . . bakit nga ba?" sabi niya at hinawakan niya ang baba nung babaeng malapit sa kanya.

Buntis na ata yung babae, parang hihimatayin na siya sa sobrang saya.

"I-ikaw kasi-si yung isa sa sikat sa pacific academy" sabi nung babae.

Ngumiti si ninja at binulungan niya yung babae.

"Thank you"

At ayun, literal na hinimatay si girl at nagsimula na ang fangirling.

"Does that answer your question?" sabi niya sakin.

So sikat pala siya sa school nila? Ang lalandi talaga ng mga babae dito, pati ibang school ginagambala nila makahanap lang ng malalandi nila.

"Anyway, lets go at may appointment ka pa" sabi niya.

Teka teka, appointment? Saan?. . . sa doctor?! No way in hell akong pulunta sa hospital!

"Ayoko! Hindi ako pupunta sa hospital! Bitawan mo ako!" sabi ko.

Iniisip ko palang ang hospital, nagpapanic na agad ako.

ayoko talaga sa hospital. . . ayoko.

"What? Calm down! Hindi tayo pupunta sa hospital! Sa hairstylist ka may appointment" sabi niya at kumalma ako bigla.

Hairstylist? As in parlor? Minsan lang ako nakapunta sa parlor pero hanggang ngayon, di ko pa rin makakalimutan ang feeling nun.

Sa totoo lang, ako lang naggugupit sa buhok ko. Hanggang ngayon di parin ako masyadong magaling pero kahit papano nagmumuka parin akong tao-este- dyosa pala sa gupit ko.

Pero seryoso? Dadalin niya ako sa isang hairstylist? Pangalan pa lang, sosyal na.

Tatanggi pa ba ako?

" Kaso may next class pa ako" sabi ko pero di ako nakatingin sa kanya. Ayoko ngang makita niya na excited ako.

"Dont worry, may excuse letter na ako at legit to dahil galing pa to sa doctor kong kaibigan kaya tara na!" sabi niya at hinila na niya ako.

"Sorry ladies pero hihiramin ko muna siya sa inyo" sabi niya habang nakangiti sa kanila at. . . kumindat la siya sa kanila kaya nabaliw ang mga babae sa klase ko.

Playboy.

"Ako kahit hindi mo na hiramin Jam!!!"

"Sayong sayo na ako!!!"

Bratinella (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon