Feeling ko tumigil ang mundo ko.
Fried chicken? Seryoso ba siya?
“Totoo ba yan?” sabi ko.
“Ofcourse” sabi niya.
“As in realtalk yan?” sabi ko.
“Oo nga” sabi niya.
“Peksman?” sabi ko.
“Pumasok ka na nga lang sa kotse” sabi niya
Nairita ata siya. I’m sorry kung makulit ako pero minsan lang ako makaranas ng libreng fried chicken.
Siguro kung hindi ko agad agad na binasted yung mga nanliligaw sakin, siguro ilang bucket fried chicken na ang nilibre sakin.
Pero I’m a girl with standards at di ako magpapaligaw para lang sa libre noh.
Kaso ang tempting ng idea na yun.
San kaya ako dadalin ni rich kid. Mayaman siya, diba?
Yes! Mukhang makakachickenjoy or KFC chicken ako ngayon. Minsan lang ako makakin ng ganun, kinukuha kasi lagi ni mangkukulam ang baon ko.
Kaya madalas, sa canteen ko lang nakakakain ang fried chicken pero di naman masarap. Puro breading lang.
Pero san kaya kami pupunta?
Greenwich?
KFC?
Jollibee?
Mcdo?
Chowking?
5 minutes later. . .
BINABASA MO ANG
Bratinella (on hold)
Romance(Troputik's Jam sidestory) Ella Tremaine is not your average Cinderella. Yes, she has a stepmom and stepsisters but in school, she is her schoolmates worst nightmare. Can a boy change Ms. Popular's BRATTY personality?