ERA'S POV
"Kuya bat ka nagsinungaling?" tanong ko kay kuya at ngayon galit nako.
"Era?" gulat na gulat si kuya pagkakita sa akin.
"Kuya, akala ko matino kang nag-aaral dito? Bakit inilihim mo pa ito sa amin? Si mama't papa proud na proud pa naman sa'yo dahil ang buong akala nila maganda ang kalagayan mo!"-ako.
Hindi umimik si kuya. "Aanhin namin ang mga perang pinapadala mo kung galing naman sa masama?!" sigaw ko kay kuya at doon niya ako tinitigan.
"Galing sa masama,huh? Kung hindi ako gumawa ng paraan para magkapera sana patay ka na ngayon! Ginawa ko lang ito para sa'yo dahil ayaw kong mawala ka. Tapos ngayon isusumbat mo lang to sakin?!" sigaw niya. Galit na galit na rin siya ngayon.
Napaiyak na lang ako. Oo, kung hindi sa kanya malamang patay na ako nuon pa. Pero mali pa rin ang ginawa niya di'ba?
"K-kuya, mali pa rin---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko
"Magpasalamat ka nalang at buhay ka pa!" sabi niya saka pumasok sa kwarto niya.
Mas lumakas pa yung iyak ko kasi ng dahil sa akin nagkaganyan si kuya. Kasalanan ko, kung hindi lang matigas yung ulo ko di hindi sana ako naaksidente at muntik ng mamatay.
Si kuya na sobrang bait, sobrang talino at sobrang gwapo ay naging gangster na. Tapos yung pag-aaral niya hindi ko na alam kung ok pa kasi nalaman kong nagbebenta pala siya ng mga hindi lisensyadong mga armas.
Kinabukasan nagising ako na wala na si kuya pero may iniwan siyang note card.
Era,
May almusal sa ref, ipainit mo nalang. Wag kang mag-alala sa pag-aaral ko ok pa naman mga grades ko.
P.S. wag kang lalabas ng apartment.
Hindi na galit si kuya saken.
Pero Ehh? Paano ko mae-enjoy ang bakasyon ko dito sa japan kung hindi ako lalabas. Pambihira naman si kuya.
Btw ako nga pala si Ashira Marie Dazen or Era tapos si kuya ay si Anton Mark Dazen.
Sa pasaway ako, kaya heto lumabas ako ng apartment. Syempre mamamasyal din muna ako. Maghahanap ng makakainan, kulang yung niluto ni kuya eh. Gusto kong magkape para maEnergize naman ako sa pamamasyal.
Sa may di kalayuan nakahanap din ako ng coffee shop at umorder ako. Tumingin ako ng bakanteng table pero puno na lahat maliban sa isang table na parang nag-iisa lang yung nakaupo. Since Japanese sila dito at hindi ako marunong ng nihonggo eh di mapapasubo ako sa pag-eEnglish kahit di ako marunong masyado. Hindi naman siguro nila mahahalata. Mwahahaha.
"Can i sit in to you vacant chairs?" tanong ko tapos nagpacute.mwehehe baka ma-attract sa kagandahan ko.
Tumingin yung lalake sakin. Oh my Gee! Ang gwapo. Parang..... parang si Uchiha Sasuke. Parang buhay na anime. Sobrang gwapo sobra. Tapos nagsalita siya parang mahihimatay yata ako.
"Check your grammar you're disgusting" sabi niya.
Nagsi-sink in yung mga binitawan niyang mga salita saken............
Wait?! Hanudaw?! Disgusting ako? Nakakainsulto naman to ah!
Teka lang asan na siya? Umalis na? Bwisit di pa ako nakakaganti. Sayang gwapong-gwapo na eh, sumemplang lang sa ugali. Asar.