ERA'S POV
1week passed. Walang bago sobrang boring ng bakasyon. Linis, kain, tulog puro nalang ganyan ang routine ko araw-araw dito sa bahay. Mga barkada ko nagbakasyon sa ibang lugar ako naman nagbakasyon nga sa japan 2days lang naman. Haaayys..buhay nga naman.
Lumabas ako ng bahay para maiba naman 'tong buhay ko. Pupunta ako ng park.
Habang naglalakad ako napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa may bleacher ng park, problemado yata. Kita kasi sa kanyang mukha at kinakausap ang kanyang sarili mag-isa.
"Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako pa?" tanong niya sa kanyang sarili.
"May rason kung bakit ikaw" parinig ko sa kanya at kinuha ko phone ko sa bulsa ko at kunyari may kausap ako sa phone. Tumingin siya saken ng masama. Ako naman chin-up. Bakit siya ba kausap ko? Bwahaha.
"Aaahhh!!!!" sigaw ko. Yung bang nadulas ka sa harapan niya ng dahil sa isang banana peeling. Watdapak!!!
"Sa dinami-rami ng dadaan bakit ako pa?"-bulong ko.
"May rason kung bakit ikaw"-sabi nung lalaki.
Hanudaw??!! Yung bang pakilamera ka kasi at nagback fight sayo yung sinabi mo -_- Asar!
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Ambait pala niya.
"Salamat"-ako. Tinitigan lang niya ako. Kaya heto naconcious naman ako sa sarili ko. "May mali ba sa mukha ko?" tanong ko. Hindi niya sinagot yung tanong ko. "Are you AM's sister?" tanong niya. Kilala niya pala si kuya anton? Tumango ako bilang sagot. "I see. You're just like his girl version" -siya. "So kilala mo pala siya. Eh anong pangalan mo?" tanong ko. "I'm Jeanc Rayven Givez" sagot niya. "Ako naman si era. Kaibigan ka ba niya? Kasi matagal na siyang nasa japan. Galing ka din ba sa japan?" -ako.
"Yeah" tipid niyang sagot.
"Eh bakit nandito ka?"-ako.
"Because of a problem"-siya.
"Anong problema?"-ako.
"Lung cancer, stage 3"-siya.
"Grabe pala yang sakit mo. Tutulungan kita"-sabi ko. "How? My doctor gave up on me"-malungkot na sabi niya. "Yung doctor mo ang nag-give up. Hindi ibig sabihin non titigil ka na rin, wag kang mawalan ng pag-asa. Kung papatalo ka sa kamatayan, talagang tutuluyan ka"-sabi ko sakanya para hindi siya mawalan ng pag-asa. Tinitigan niya ako. Puro siya titig. "Masama ba yung sinabi ko?"-nahihiyang tanong ko.
"No. Actually you inspired me"-sagot niya. Hindi siya nakatingin ng sinasabi niya yon sakin kaya tinitigan ko siya ng husto. May itsura siya sa totoo lang. Ang kaso para siyang zombie, yung mga mata niya maganda mahahaba kasi yung mga pilik-mata niya pero parang stress. Itim kasi yung nasa palibot ng mga mata niya. Itim pa yung bibig niya. "Why are you staring at me?"-napansin siguro niyang nakatitig ako sakanya. "Baka kasi gusto mong simulan na natin yung pag-cure sa sakit mo"-sabi ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko. "Tumayo ka dyan at sumama ka sakin"-sabi ko sakanya. Tumayo naman siya at sumama sakin. Pumunta kami sa chapel na malapit lang.
"What the heck?! Are you serious? Paano ako mapapagaling niyan?"-sigaw niya saken. "Wag kang galit, ok? Baka magalit si God at tuluyan ka niya? Hihingi tayo ng tulong sakanya syempre"-paliwanag ko. Wala siyang nagawa kundi sumunod.
Nagdasal ako na sana gumaling na si rayven. Na sana mawala na yung sakit niya. Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Ayoko kasing may namamatay.
"Why are you crying?" -tanong ni rayven sakin. "Para maawa si God at pagalingin ka?" -sagot ko.
Tinitigan niya na naman ako at hindi nagsalita.
After kaming pumunta ng chapel nagyaya na siyang bumalik sa park. "Bat ba gusto mong tumambay dito sa park?"-tanong ko to start the conversation. Pero di siya sumagot. "Bat di ka umiimik jan?"tanong ko. Pero di na naman niya ako kinikibo. Bakit ang tahimik niya ngayon? "Huy di ka man lang ba sasagot?"kulit ko sakanya. Still he doesn't care. Nakakainis na siya. Kanina naman ok kami. Makaalis na nga lang.
Hindi man lang niya ako pinigilan nung makalayo na ako ng kaunti. Nakakainis siya sobra. Eh bakit ba kasi ganito ako umasta? Hindi ko naman siya boyfriend. Kakakilala ko nga palang sakanya eh. Naglakad uli ako palayo pero hindi niya talaga ako pinigilan. Sa inis ko bumalik ako. Kukunin ko number niya. "Siguro may cellphone ka naman diba? Akin na number mo" sabi ko. Parang wala akong hiya eh noh? But who cares? Tinignan niya lang ako. "Sabi ko akin na number mo" ulit ko sakanya. Inilabas niya iphone 6 niya. Sosyal. Hiyang-hiya yung android phone ko sa phone niya. Ibinigay niya saken phone niya. Kinuha ko number niya at isinave ko na rin number ko dito sa cp niya. "Oh heto iphone mo. 'Geh alis nako nagutom kasg ako sayo"-ako at umalis na nga.
Dahil sa gutom ko kung saan-saan na ako nakarating para lang maghanap ng makakainan. Pero wala akong mahanap kaya no choice balik nalang ako ng bahay. Nang malapit nako sa bahay eh sakto namang nakakita na ako ng makakainan. Walanjo! Andito lang pala ang hinahanap ko.
Umupo na ako dala ang mga inorder ko. Kain lang ako ng kain wala na akong pakialam sa paligid ko pag ganitong gutom ako.
"Are you like that when you're hungry?"
Huh? Si rayven pala tong nagsalita. Tignan mo tong taong to. Hindi ko namalayang nandito siya. "Eh sa gutom ako. Di pa ako nananghalian e. At o bakit mo ako sinundan?"tanong ko habang ngumunguya. "Because i have something to ask you" sagot niya. "Ano naman?" tanong ko. "Are you free tonight?" tanong niya. "Oh my gee! Date agad? Yinayaya mo na akong lumabas?" excited kong tanong. "It's not a date. I just want to go in a bar tonight and i'm alone" sagot niya. Yun lang pala gusto niya akala ko naman. Pero bar daw? "Bar? Hindi pa ako nakapunta don. Kaya sige sasama ako para maexperience" sagot ko. Ano kayang meron sa bar. Excited ako mamaya. "Then i'll pick you tonight. Exactly 8 o'clock and wear something nice" sabi ni rayven. "sige" sagot ko. :-)