ERA'S POV
Day 2 sa Japan
Ayun di ko na naman naabutan si kuya. Maaga siyang pumapasok at gabing-gabi na kung umuuwi. Wala siyang time makipag-usap. Kaya pupuntahan ko nalang siya sa school. Alam ko naman kung anong school yung pinapasukan niya.
Pagdating ko sa school puro lait na ginawa ko.
May mga pangit din pala dito akala ko pag nandito ka puro gwapo't magaganda makikita mo. May mga mukhang ewan din pala.
Linapitan ko yung magandang babaeng japanese. Baka marunong mag-english, classy kasi yung itsura niya, mayaman siguro.
"Hi. Do you understand english?" tanong ko. Nag-smile naman siya. "Yes i can", sagot niya. "Do you know Anton Mark Dazen?" -ako.
"Hmm..? Is it AM Dazen"-siya. "Yes, do you know where he is?"-tanong ko. "I think he's in rooftop with his gang"-siya.
"Oh thank you, ahm...can you take me there please?"
"Oh sure"-siya.
Matapos akong ihatid ay nagpasalamat ako sakanya. Sobrang bait niya.
Pagkabukas ko ng pintuan nakita kong may mga estudyanteng mga kaedad ko lang yata at nag-uusap ng linggwaheng allien este nihonggo. Hindi ko maintindihan kasi eh. Para hindi akn makaistorbo ay nagtago ako. Puro sila mga kalalakihan baka rapist mga yan? Ay hindi naman siguro grupo daw ni kuya mga yan eh.
Bat puro mga gwapo meron dito? Sa baba naiwan yata mga pangit.mwehehe.
Bat di ko makita si kuya dito? Baka absent? Isosorpresa ko pa naman siya.
Sinilip ko uli yung mga nandun baka natakpan lang si kuya.
"Hey" may kumakalabit saken sa likod. Tss.. -_-
Di'ba niya nakikitang busy ang tao eh? Kalabit ng kalabit.
"Hey" sabi nito uli at kinalabit ako uli.
Oo na lilingon na ako.istorbo!
"Uwaaaahh!!!!!!!! Pangit!" sigaw ko. Nagulat yata yung lalaki tapos nagsalita ng nihonggo.
Harujusko di ko maintindihan. Pati pala grupo ni kuya napatingin sa amin. Napalakas yata yung sigaw ko. Hala! Paparating na sila dito.
"What's happening here?" sabi nung isang gwapo. Ehem gwapo alert!
"Eh siya kasi" tapos turo ko dun sa lalaking kumakalabit saken kanina. "Pangit. Dapat gwapo lang tumatapak dito sa rooftop tapos siya pangit? Ayokong madungisan ang reputasyon ng mga gwapo!" sumbong ko.
Okay. Poker face silang lahat. Hala! English pala dapat. Ayan du nila naintindihan.
"Era?" si kuya.
"Kuya!! Surprise, bibisitahin kita" -ako.
"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas?"-kuya.
"Akala ko kahapon lang? Wala ka namang iniwang note sakin eh. Napaka-slow mo kuya".
May sasabihin sana si kuya kaso nainterrupt kasi may hinihingal na lalaking lumapit sakanya.
"They're coming!" -sabi nito kay kuya.
Lahat ay naalerto. Payn. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.
Hinila ako ni kuya palayo sa mga kasama niya.
"I'm sorry era"-kuya. May itinurok siya sa aking leeg na siyang tuluyan ba akong nawalan ng malay. Totally black out.
Pagmulat ko, nasa airport na ako. Ano bang nangyari? Nawalan ako ng malay tapos paggising ko andito na ako?
Inobserbahan ko ang aking paligid, yung travelling bag ko nasa gilid ko lang pero wala si kuya. Anong ibig sabihin nito?
"Ako ang inutusan ng kuya mong maghatid sayo." -sabi ni lalaking gwapo.
"Ha? bakit dito mo ako inihatid, bat di sa kanyang apartment?" tanong ko.
"Gusto niyang umuwi ka na sa pilipinas" sagot niya.
"Ayaw na niya saken?"-ako.
"Hindi sa ganon. Kailangan lang kasi niyang gawin to sayo"-siya.
"Teka? Marunong ka palang magtagalog?"
"Kanina pa kita kinakausap ngayon mo lang napansin? Napaka-slow mo nga talaga"-siya.
-_- mang-insulto ba naman?
"Oo na slow na ako. Pero ano pala pangalan mo?" tanong ko sakanya. "Gwapo mo kasi eh"
"I'm helium"-sagot niya tas ngumiti. Ehmeyged mas lalo pa siyang gwapo.
Iniannounce na yung flight papuntang pinas. Hayyyss goodbye japan. 2days lang ako dito di ko pa nasulit.
Binigay ni helium yung tourist visa ko. "Pakisabi kay kuya mag-iingat siya ah. At salamat sayo"-ako.
Naglakad na ako. Liningon ko uli siya nang medyo malayo na ako sakanya at kinayawan ko siya. Kumaway din siya pabalik.
Goodbye Japan.