Sunny's POV
" close kayo nung student mong yon, close kayo? " tanong ni Gally sa akin paglabas ni Noah.
" hindi kami nun close no " tanggi ko dito na tunay naman. Hindi naman talaga kami close ni Noah.
" bakit pala nandito yon. " nakataas kilay na balik nyang muli sa akin.
Ang kulit talaga nitong baklang 'to!
" hindi ko din alam na sumunod pala yun sakin paglabas ko ng room nila. Nakita ko na lang na nandito na. Hindi ko nadin napigilan dahil nakahiga na dyan sa sofa " nakita kong tumango naman sya. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
" baka naman boyfriend mo yon, Sunny ? " agad napabaling ang tingin ko sa kanya ng sinabi nya iyon. Boyfriend! The hell wala pa akong balak makipag-relasyon no. Pati doon sa lalaking yon? No way! And Noah is my student at baka yun pa ang ikasira ng pangalan ko.
" hoy Gally wag mo akong itulad sayo, hindi ko boyfriend iyon. Ma-issue ka talaga kahit kailan " inis na saad ko dito sabay bukas ng laptop ko para gumawa ng PowerPoint. Tapos nadin akong kumain kaya napagdesisyunan ko na lang na gumawa ng mga PowerPoint para dun sa mga susunod pang class ko.
Napatigil na lang ako ng marinig ko na ang mga boses ng tatlo. Bahagya din na napatigil si Gally sa pagkain. Dumiretso naman ang tatlo kay Gally.
" may nag-text ba sa inyo? " biglang tanong ni Danny habang nagta-type ako. Ano iyon?
Tatanungin ko pa lang sana si Danny kung ano iyon ng biglang may nag text sa cellphone ko. Kinuha ko agad ito at binasa. Galing ito sa isa sa mga senior namin. May meeting daw kami pinapatawag nung daddy ni Noah. Ano kayang meron? Ibinalik ko na lang sa bulsa ang cellphone ko at itinuloy ang pagta-type.
Hindi naman siguro ganon kamimportante iyon. Pero hindi ko sinasabing hindi ako pupunta, pupunta parin ako kahit ganoon.
-
" kita kita na lang tayo mamaya " sabi ko sa apat. Tumango naman yung apat.
Pagtapos kong sabihin yung mga 'yon ay pumunta na agad ako sa sinabing lugar. Sa office pala iyon ng may ari ng school, sa papa ni Noah.
Pagpasok ko doon ay may nakita akong mga co-teacher ko. Nginitian ko lamang sila at naupo nadin agad na dulong bahagi. Lampas fifteen kami sa loob, hindi ko pa alam kung may dadagdag pa bang iba. Naghinatay pa kaming mga nasa loob ng mapansin kong bumukas ng yung pintuan. Inayos ko naman agad ang upo ko ng makita yung owner ng school. Sabay kami na tumayong lahat at binati ang hindi pa kantandaang lalaki. Tanging tango ang sagot nito at sinabihan kami na umupo ng muli. Nagsiupuan naman kami at nakinig na sa sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
PSS 1 : BadBoy's Obsession
RomanceEven you're teacher and I'm student, you are just mine and mine alone -Noah Kral