CHAPTER TWENTY-THREE

6K 244 10
                                    

Sunny's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunny's POV

Naririto ako ngayon sa labas ng bahay, nakaupo sa upuang kahoy. Umuwi narin agad si Rico ng maihatid niya na ako. Kinakabahan ako sapagkat maaaring pumunta dito si Noah. Sa bawat pagdaan ng isang sasakyan ay pinagmamasdan ko ito kung kay Noah Kral na ito. Bat ba kasi umalis agad ako! P-Pero tulog na naman siya non eh.

Patuloy parin ako sa pagtingin sa mga sasakyan. At isang malalim na paghinga ko ay rinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Noah. Pumikit ako, jusko!

Nang iminulat ko ang mata ko ay sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Noah. Umupo din sya sa tabi ko, labis na pagkalampag ang nangyayari ngayon sa loob ng dibdib ko. Tumingin sa akin si Noah ng seryoso, ako naman ay ngumiti ng pilit.

“ bat di moko inintay na magising, at talagang nagpahatid kapa sa gagong Ricong yon! ” ang inis at may tono na pagalit na sabi nito. Iniwas ko na lang ang tingin ko at hindi siya sinagot.

" ayoko naman kasi na gambalain kapa " ang mahinahon na pagkakasabi ko dito. 'Nag tsk lang ito at umakbay sa akin. Tinatanggal ko pa ito nung una ngunit kalaunan ay hinayaan ko na lamang. Alam kong ikagagalit niya na naman kasi ito.

" ok, but pag nalaman kong hinatid ka na naman non... " he whisper from my ear. Labis naman ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan ng dahil doon, And I swallow a lot of times because of that. Nang matapos nyang sabihin iyon ay idinantay niya ang ulo niya sa akin. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

" tangina nyo patingin din ako " ang narinig kong sigaw mula sa likod namin ni Noah. Napalingon agad ako doon, nakita ko naman ang mga kapatid ko na nakatingin. Nagsingitian pa ang mga ito ng mapansin na nakatingin na kami sa kanila. Inirapan ko na lang ang mga ito, at inalis ang kamay ni Noah Kral sa balikat ko.

Tumayo nadin ako at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman si Noah sa akin, naramdaman ko kasi ang mabibigat na yapak niya.

" kumain na kay— ohh Noah bat ka nandito? " pagpasok namin sa kusina. Yan ang binungad ni Mama sa amin.

" ahh, wala po. Dinalaw ko lang si Sunny " Noah.

Sunny? What the heck! How dare him to call me Sunny! He's my student, napaka walang galang talaga niya, dadagdagan na nga lang ng sir eh hindi niya pa magawa. Hmppp! Ewan ko sa kanya.

Kung si Rico okay pa. When I remember Rico, a smile escape from my lips.

Matatawa pa sana ako sa iniisip ko ng magsalita si Gally.

" hoyy, tanginang baklang to! Magi-imagine na nga lang na kinakanton siya dito pa sa harap namen! " ang sabi nito.

Putângina talaga ng baklang to. Narinig kong tumatawa sila, pati narin si Noah. Tinaasan ko ito ng kilay at kinurot sa bandang singit. Punyetang to' makikisali pa. Umiling lang ito at inakbayan ako.

Pagtapos ng nakakahiyang sinabi ni Gally ay inalok narin kami ni Mama na kumain. Magpapaalam pa sana si Noah na uuwi na pero pinigilan ito ni Mama. Nahihiya ang kupal! Bait na bait pag nasa harap ng ibang tao, hmpppp. Pag sa akin naman ay parang bata.

Magkatabi kaming nakain ni Noah ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa niya. Dumako ang tingin naming lahat dito, tumayo naman ito at nag-paalam.

" kaya pala wala sayo cellphone mo " ang sabi ni Gally na may patango-tango pa. Nginitian ko lamang ang mga ito.

Ilan pang minuto at pumasok nang muli si Noah. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong, ngunit tumabi agad ito sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at hindi na muling nagtanong pa sa kaniya. Wala rin naman akong makukuha na sagot sa kanya.

Natapos ang pagkain namin at nagpaalam na si Noah Kral na uuwi na siya. Binilinan lang ito ni Mama na mag-ingat sa pagmamaneho at gabi na. Naririto ako ngayon at inaantay si Noah na lumabas ng banyo. Ihahatid ko siya hanggang sa labas ng bahay. Lumabas na ito, kaya lumabas na agad ako sa may pinto. Sumunod naman agad ito sa akin.

" bye na, Mag-ingat sa pagda-drive. " paalala ko dito ng nasa tapat na kami ng sasakyan nito. Tumango lang ito sa akin at ngumuso? Ano ang ibig niyang sabihin dyan sa pabibe effect niya?

" p-pati pala, p-pede bang kuhanin ko na yung cellphone ko? " kinakabahan na sabi ko dito. Mag-iilang months nadin kasi ito sa kanya, siguro sapat na iyon para bawiin ko ang telepono ko.

Bigla naman sumeryoso ang mukha nito kaya napaiwas ako ng tingin dito.

" ayoko, aalis na ako. Ba-bye na " sabi nito gamit ang malamig na tono, ngunit ramdam ko ang kalambingan din nito.

" please, Noah! " ang pagmamakaawa ko dito ng akmang isasarado niya na ang pintuan ng pula nyang sasakyan.

" okay, but yung keypad lang " — w-what? Anong gagawin ko dun? Bawal parin ako dun mag-on ng mga social media accounts ko!

" keypad?! " muli kong pagtatanong dito.

" oo, text text lang tayong dalawa. " sabi nito. Jusko! Tulungan niyo akong wag masapok tung hayop na 'to.

" N-Noah naman! " ang inis na sabi ko dito. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya. That's so ridiculous, for his age 19? The hell!

" ok, alis na ak— "

" okay payag na ako! " ang sabi ko dito. Wala din naman akong choice, mas mabuti narin yon para may magamit naman ako kahit papaano.

Muli itong tumingin sa akin at ngumiti ng makahulugan. May binunot ito sa may suot niya, yun yung kepad na cellphone ko. Aabutin ko na sana iyon ng muli na naman itong mag-salita.

" number ko lang ang pwede mong ilagay dyan, lagi ko yan iche-check pagdating mo sa bahay . And again, tayo lang dalawa ang pwedeng magtext-text dyan! " iyon ang sinabi niya. Tanging tango lang ang naging sagot ko dito, tinulak ko na muli ito pabalik sa sasakyan niya. Nagsasalita pa ito, ng ako na mismo ang nagsara ng pintuan niya. Dami pa kasing dada! Pumasok na agad ako sa loob ng wala na akong matanaw na pulang sasakyan. Pagpasok ko ay lahat sila ay nakatingin sa akin.


Inirapan ko lang ng mata ang mga ito at nagdire-diretso papuntang kwarto. Binuksan ko din ang keypad na cellphone. Nang chineck ko ang contact list ay burado na nga lahat ng pangalan dito. Tanging love lang na pangalan ang natira dito? Ito na siguro si Noah? Kapal ng mukha! Love talaga si tanga. Korni niya!

Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa mga pinagagawa ni Noah.

Sabagay! A 19 years old is still a cry baby.

Itutuloy....

Tokkkkk!!!

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon