my death i deal with

27 0 0
                                    

PRESENT DAY: BOYS SCOUT CAMP FRIDAY 5:00 PM 

Pero di ko pa rin sinasagot kung bakit ako nan ditto. Intro lang kasi yung kanina. Ito yun dahil nga raw na huli ako ng register ako daw yung gagawa ng test of courage parang representative ng lahat ng first year na sumali. Dapat si randi yung gagawa pero na recruit nya ako kaya ako na lang. lahat ng member ay sumali ditto sa booth camp I mean boys camp. 

"mamayang gabi na yung pinagusapan kelangan mo lang palang tumawid sa gubat tapos dun sa abandonadong building naghihintay don yung ibang member para sigurado silang ginawa mo yung hamon. 

GABI NA:> 

"ito lang ang dadalhin flashlight, skyflakes tapos mineral water. Malapit lang naman yun kaya kaya mo yan" sya si ben ayon kay randi kung hindi kaming dalawa sumali ay madidisolve yung club nila dahil apat na lang sila puro senior pa. "naghihintay sayo sila Kira at Max ditto naman kami ni Randi" 

"sige alis na ako"  

"wait lang kaylangan mo to" tapos sinuot sa akin ang isang charm na may pangil ng kung anong hayop "pang pa swerte lang" ano ako makuha ng exam kaylangan ng charm?  

Nasa kalagitnaan na ako ng gubat may na alala ako meron nga pala akong malaking problema hindi sa takot ako sa multo di naman ako naniniwala dun. Ang totoo wala akong sense ng direction ang south ko minsan north. Minsan nga nararating ko ang walang hanggan. 

"nasan na ba ko?" mga 1min. palang akong naglalakad nawala na agad 

Kaya ginawa ko na lang ang madalas kong gawin pag- nawawala. Throwing stick kelangan ko lang mag hanap ng stick. Pamatay oras ko lang yun hanggang may makahanap sa akin. Kakahanap ng throwing stick na padpad ako sa may kalalimang parte ng gubat. Naks ang tagalog ko malalim. Dun sa lugar na yon may lawa tapos maraming ilaw-ilaw di ko alam kung anong klaseng insekto to yun pero madalas akong makakita ng ganoon sa tuwing nawawala ako umaga na pag natatagpuan ako kaya nalilimutan kong itanong.  

"grabe ang kalma ng tubig ang pagod din mag paralalakad siguro mapahinga muna ako gutom na rin ako" iniisip ko non kung ganito din ka kalmado ang buhay walang paepal walang makikialam at di ko din kaylangan mangialam. Di ko alam na nakatulog pala ako nagising lang ako ng makarinig ako ng kumakanta: 

"Why do you lie with your legs ungainly huddled,  

And one arm bent across your sullen, 

Cold exhausted face?...  

You are too young to fall asleep for ever;  

And when you sleep your remind me of the dead."

Pagmulat ko nakakita ako ng isang bata na nakablue na dress mahaba ang buhok nya na tinatalian ng pulang ribbon nakatalikod sya sa akin pagkatapos ng kanta humarap sya. 

"buhhhhhhhhhhh" pasigaw nyang sinabi 

"anong klaseng katangahan yan" balak nya yata akong takutin pero mas nakakainsulto sa multo ang pananakot nya. 

"aren't you afraid?"  

"bakit naman ako matatakot?" anong tingin mo sa sarili mo multo?  

"everyone that I tried that trick onto became frightened maybe it's so redundant that it's not scary anymore. I think I need a new strategy" 

Masyadong inglesera itong batang ito baka isa sya sa mga anak nong mga foreigner na nagbabakasyon sa resort sa may hill. 

"pwede iwanan mo na lang ako" dun ko napansin na napapak ako ng lamok naibaling ko tuloy ang galit ko sa kanya. 

"hey, you heard my song right?" 

"ayaw ko man wala akong choice" 

"yep, the lyrics is from dug out a poem I just add the hymn, nice right?" mas nilapit nya ang mukha nya sa akin. 

GHOST TO KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon