BAHAY:PLANNING+JOB HUNTING= WEDDING
"Kuya tingnan mo itong simbahan na to ang ganda no ditto natin ikasal si ate" sabay turo ng simbahan na nakita sa internet
"ayos ka lang nortre dame yan alam mo ba kung gano kalayo ang europe?"
"di mag sakay tayo sa eroplano"
"alam mo bago ka mag isip ng simbahan isipin mo kung pano tayo magkakapera" habang ako ang nagcocompute ng gagastusin para sa kasal kapalit ng aking buhay. Umabot ng 200,000 yung lahat ng gagastusin. "siguro aalisin na natin ang reception, tapos itong hotel yung mumurahin nalang lasingin nalang natin para hindi nilang mapansin na luma yung kwarto don din naman ang pupunta non, tapos dun nalang sa ukay ukay tayo maghahanap ng damit uso naman yung hindi parepareho yung abay. Yung gown, nayan pa yata yung kay mama. Sige a total of 34,000?" kahit anong pagkaltas ang gawin ko hindi pa rin na sakto. Grabe kaya siguro maraming magasawa ang naghihiwalay pagkatapos ng kasal (Britney spears isang oras lang kinasal annull agad)
"kuya beach wedding maganda"
"alam mo katherene Marami kang alam sa buhay kaso niisa don walang magagamit sa praktikal na pangangailangan. Hindi sa lahat ng oras maganda amg maganda minsan tingnan mo din yung tag price" gets? Pagtingin ko sa kanya mas naguluhan yata sya.
"ngayon naman kaylangan nating maghanap ng trabaho" nagsususog ako sa classified ads "yung malaki ang kita sige..... hum ito kaya? Dapat yung malapit lang" nakatitig lang sa akin si katherene malalim ang iniisip
"ba't hindi natin pagkakitaan ang katawan mo?" pagkakitaan ang alin?!
"as in katawan ko?" sa mga ganyang bagay masyado kang aware "hindi pa ako desperado"
"di ba sabi mo yung practical tapos mabilis kumita ng pera?" hindi gamit ang katawan ko!!!!!!!!!!!
"ditto sa restaurant na to tayo magtratrabaho ok. Sige matutulog pa ako"
"pero kuya"
"tulog na ako"
"bahala ka" sigurado akong narinig ko yun pero hindi ko alam na may ibig sabihin yon...
Paggising ko pagod na pagod ako pakiramdam ko binabaak ang ulo ko. Tapos na pansin ko na mas pagod ako kesa kahapon. At ito pa may pera sa harapan ko pagbilang ko mga 10,000 din yon. Una kala ko naghimala ang langit. Pero may nakapa ako sa ilalim ng lamesa may nakita akong mga damit na may lipstick sa may kuwelyo. At may namuong kungklusyon. "katherene!!!!!!!!!!!" hinanap ko sya sa buong bahay pero wala sya. Pagdating ko sa kwarto inisip ko kung saan sya nag punta. Ng biglang may nag kakaluskos sa drawer ko. "katherene lalabas ka jan o lalabas ka jan?" walang sumagot lakas ng loob. "a talagang hinahamon mo ako." Sabay bukas ko.
"kuya anong ginagawa mo at kinakausap mo yang drawer?" lumabas sya sa pinto ng banyo. Yung nasa drawer pala ay yung pusa ko.
"a akala ko kase nasa loob ka" nakakahiya "wait lang iba pala yung kelangan ko, san galling yung pera sa lamesa?"
"part time job sabi mo maging practical ginawa ko lang, kagabi ang galling nag tambay lang ako sa kanto tapos may costumer agad. Iba talaga pag gwapo" gwapo? di ginamit mo nga yung katawan ko.
"ba't may lipstick yung damit ko?" parang ang role ko asawang pinagtaksilan ng sinisinta. Alam ko na yung pakiramdam ni mama.
"gawa yan nong matanda...."
"matanda pinagamit mo ako sa matanda?" galit na galit talaga ako non kaya may nasabi akong masasakit "napaka tanga mo naman di ba sinabi ko na sayong wagkang gagawa ng masama sa katawan ko. Mula ngayon ayaw na kitang Makita"
Ang sumagot sa akin ay yung calculator kong malaki sa totoo lang hiniram ko yun sa tindahan namin. "kung wala ka sa aking tiwala ayaw ko na rin sayo, ni hindi mo man lang ako pinatatapos"
"aba ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Sino bang gustong makasama ang isang spoiled brat na kagaya mo" sabay nagkulong sya sa banyo. "Oy buksan mo yan aking banyo yan." Ni lock nya yung banyo kaya bumaba nalang ako nasa lamesa non si kuya kumakain.
"oy anong nangyari jan sa ulo mo?" may daladala syang news paper.
"ha?" sabay hawak ko. napansin ko na may bukol. "Wala lang to" pumunta muna ako sa lababo para maghugas ng mukha nasa likod ako ni kuya. "kelan ka pa natutong magbasa ng newspaper?"
"ganyan talaga pag malapit nang magcollege" sabay tingin ko nasa comics lang naman sya "oy galit si mama sayo kala mo di ka mapapansin kagabi no? san ka nag punta hinatid ka ng kotse kagabi di ko lang sinabi kay mama" huhulaan ko umuwi ka din non ng late no? pagsinabi mo malalaman na tumakas ka din.
"aalis ako ngayon" sabay toothbrush
"san ka mapunta? Naku wala palang horoscope ditto sa page ng comics san yung page na yun" sabay buklat ng mga page "fucking shit!!!!!!!!!!!!!"
"umagang umaga nagmumura ka anong problema?" nalumod ko tuloy yung close up. Bigla syang lumapit sa akin.
"kelan ka pa nagging model?" sabay turo sa newspaper. Nakalagay don yung picture ko na nakasuot ng jeans tapos polo na puti. Pero hindi ko naalala na kinunan ako ng ganong picture. Napaka seducing pati ng pose ko "pangarap kong maging model ba't ikaw naunahan mo pa ako?"
"hindi ako yan" sinabi ko nalang yon pero kahit ako sigurado na ako yon.
"branded pati yung suot mo sinungaling ka ayaw mo lang akong maging model kase alam mong mas gwapo ako sa iyo"
"isaksak mo sa baga mo yang model mo" tapos napaisip ako di kaya hinusgahan ko lang ng masama si katherene? Tapos biglang may pumatak sa ulo ko. "kuya umuulan ba? Butas yung bubong natin"
"di pa naulan. Sa kwarto mo pati yun galling" kwarto ko? Shit sa banyo
"oy katherene buksan mo yung banyo" kumakalat na yung tubig sa sahig "kung balak mong magpakamatay wag na dati na"
"palalakihing ko ang water bill nyo." Narinig ko syang sumigaw "bahala ka sa manilad"
"sige masorry na ako sayo, akong may kasalanan buksan mo to. Hindi muna kita pinagpaliwanag bago ako manghusga, dali na"
"galling sa ilong" aba talagang hinahamon ako nitong batang to pasensya lang Alexander pasensya lang
"ok anong gusto mong gawin ni kuya para bati na tayo"
"kumanta ka"
"ha?"
"sabing kanta" patuloy pa din sa pagtaas ang tubig
"ok" ano bang kanta sige " you to me are everthing the sweetest song that I can sing o baby , for you I'm just a clown who na nana oh baby oh baby" di ko kabisa yung lyrics. Pagtingin ko don sa may pinto na ron si kuya dumaan saktong pagkanta ko.
"pfft.......magugunaw na ba ang mundo?" pinipigil ang pagtawa kakaasar. Sabay alis din " hala ka pag naabutan ni mama yang sapa sa kwarto mo."
"o ok na ba sayo yun" sabay sara ko ng pinto nong kwarto. Walang sumagot dun na ako napuno. Kung ayaw nyang buksan di pwersahin nalang. A one a two a three. Pagkatapos non nagderederitso ako sa banyo. Hindi na pala nakasara yung pinto. Sumudsod ako dun sa banyo. Pagtingala ko nakatingin sya sa akin nakaupo sa timba na tinaob nya.
"grabe kuya parang palaka yung kumakanta kanina" lakas ng loob. "tara punta na tayo dun sa restaurant na pagtratrabahuhan natin."
"sige, bubuksan mo din pala nagpakipot ka pa"
"babaeng pilipina e" ewan sayo
BINABASA MO ANG
GHOST TO KITA
Teen FictionSi ALEXANDER AY MAY KAISAISANG MOTTO: PAKIALAMAN MO NA ANG LAHAT WAG LANG AKO.!!!!!!!! GETS MO? KASO DAHIL SA HINDI NA MAPALIWANAG NA TWIST AND TURNS HE END UP WITH THE WEIRDEST CLUB, WEIRDEST SET OF FRIEND, AT HIGIT SA LAHAT ISANG MANIAC NA GHOST G...