ho ho she finds you and when she did..

13 0 0
                                    

HOSPITAL: ALEXANDER DON'T BE SENTIMENTAL 

Ang una kong nakita ay ang mukha ng kuya ko "hay, kahit ba sa kabilang buhay mukha pa rin ni Cesar ang wall Paper?" 

"ma, buhay sya buhay sya" tuwang tuwa si kuya "totoo nga ang kasabihan ang masamang damo mahirap mamatay" sabay batok ditto ni mama "aray" 

"tumahimik ka nga pagpahingahin mo ang kapatid mo" 

"na san sya?" 

"hu sinong sya?" sabay isip ni mama "a yung mga kaibigan mo, umuwi muna nagpalit ng damit buong araw yun nagbantay sayo" 

"Hindi si katherene" paggalaw ko napansin ko nawalang ibang masakit sa akin kundi yung tuhod ko 

"sinong katherene?" sabay asim ng mukha ng mama ko "wag mong sabihin kaya ka nasa gubat para makipagkita sa isang babae balak mong magtanan?" 

"ma pabayan mo na si Alexander ganyan talaga ang nagbibinata, ayaw mo non magkakaapo ka na agad" 

"tumahimik ka sayo palang alam kong Marami na akong magiging apo" kundi nyo naitatanong 3 beses magpalit ng girlfriend ang kuya ko. Sa isang linggo take note that's the minimum of it. 

"sige sabihin mo nabuntis mo na yung babae nayun no" sabay hawak ni mama sa baro ko  

"ma sinasakal mo yung kapatid ko" 

"hindi ma sya yung tumulak sa akin para hindi ako mabangga" 

"ha? Ang alam ko ang sabi ng mga kaibigan mo lumipad ka daw" 

"hindi sigurado ako tinulak nya ako tapos sya......."  

Bigla nong bumukas ang pinto. "grabe kala namin mamamatay ka na." 

"sige anak labas muna kami ng kuya mo" 

"oy ma ditto lang ako" 

"cesar kasama ka"pag alis nila mama 

"ayaw nyo yun may multo kayong ka clubmate" sabi ko kala randi paglabas ni mama 

"oy wag mong gawing biro yan" 

"pero may point sya don" at nakita ko na si ben pala ito. Sa lahat sya ang pinaka weird "na sayo pa ba yung bracelet?" 

"a ito?" bigla kong naalala si katherene "san dali nakita ninyo ba yung batang kasama ko?" 

"bata wala kang kasamang bata" sabi ni randi 

"meron sigurado ako" 

"baka pagod ka lang" sabi ni ben "aalis na muna kami at ng makapagpahinga ka" sabay hila sa mga kasama "nagpunta lang naman kami ditto para magbayad ng bill sa hospital sige bye-bye sa inyong dalawa" 

"Dalawa? Mag-isa lang naman ako a" tapos biglang humangin ng malakas kahit nakasara ang mga bintana iba talaga ang lamig. Ang batok ko ang unang nanglamig. Parang nag taasan ang mga balahibo ko. At parang may humuhuni bigla. Sabay tingin ko sa taas ng kama. 

" ay may kuryente na pala baka generator lang" dumating na si mama "sabi kase sa balita mga mamaya pang 6:00 magkakakuryente oy 5 na pala" 

"um ma ba't nasa ulunan ko yung aircon?" tinatakot ko lang pala ang sarili ko 

"aba malay ko magreklamo ka sa nagtayo ng hospital na to. Pasalamat ka mayayaman yung mga kaklase mo nakaprivate kang kwarto kahit hindi naman nakakamatay yung mga sugat mo gasgas lang nga" 

"ma sasamahan mo ba ako ditto" 

"ano ka bata? alam mo namang may tindahan tayo hindi yon pwedeng pabayaan. Bukas umuwi ka nalang magisa" 

GHOST TO KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon