may short cut ba sa puso mo?

12 0 0
                                    

GOING HOME HAVE NEVER BEEN THIS EXCITING: CHUP CHUP MUWH MUWH  

"katherene bumaba ka jan baka mahulog ako. Tapos baka may makakita sayo jan sa taas ng puno" 

"bakit? gusto kong Makita ang mundo pagmatangkad ka. Nakakapagod din kase paglagi kang nakatingala sa lahat" 

"sige pag bumaba ka jan promise pag nagkapalit tayo ng katawan isasakay kita sa likod ko" hindi ko alam kung bakit ko yon sinabi. 

"sige promise yan" sabay lundag  

"oy ingat" nasalo ko naman si katherene  

"alam mo kuya hindi ko alam na napakamanhid mo pala, may gusto sayo yung babae na yon pero hindi mo man lang napapansin" sabay hawak sa mukha ko " alam mo kung hindi mo hahayaan ang sarili mo na magmahal ng iba darating ang araw na magiisa ka" 

"ano bang pinag sasabi mo?"  

"dalawa lang naman yan isa manhid ka talaga o may mahal ka nang iba" sabay titig sa akin nilalayo ko ang mukha ko "tumingin ka lang sa akin di ba parang salamin nakikita mo ang sarili mo" hindi ko alam kung bakit pero namumula ako "alam ko na ang problema sayo, kilala mo si Narcissus? Super gwapo sya pero yun din yung kinasama ng ugali nya in the end he saw his reflection in the pool of water ang fell inlove with it. Siguro may gusto ka sa sarili mo ang sarili mo lang ang minamahal mo" 

"tumigil ka nga?" 

"ba't nagblublush ka?" medyo na paisip din ako pano kung may gusto nga ako sa sarili ko. Classified ba as bakla yun? "ang ibig kong sabihin masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo na nag seset ka ng standard para sa iba dahil don nahihirapan silang pumasok sa mundo mo." Sabay bitiw sa akin "na pansin ko din. para walang lumapit sayo nagbibitiw ka ng mga masasakit na salita" 

Bakit alam mo? Ba't mas kilala mo ang sarili ko? Yun yung mga tanong na naglalaro sa isip ko. 

"hay ang hirap magtutor, kuya bili tayo ng tinapay nakakagutom ang pagiging buhay" 

"sige pero malayo yun mabalik pa tayo" 

"ayos lang hanap tayo ng long cut?" 

"long cut?" 

"kabaliktaran ng short cut" 

Pagkabili namin ng tinapay na alala ko na pwede kaming dumaan don sa ospital. "gusto mo pa ng mas long cut?" 

"sige san tayo ma daan?"  

"alam mo lagi akong naliligaw kaya lagi akong dumadaan sa mga lugar na alam ko na hindi ako maliligaw same old pattern minsan nakakapagod din pero nong dumating ka sa buhay ko kahit hindi ko hinihingi nagging exciting ang buhay ko." Kung positive or negative ewan ko pa 

"kung titingnan mo ang lahat ng bagay sa pinakamagandang point of view wala kang magiging problem. Ang baliw nga tumatawa kahit pinagtatawanan sya siguro ang point of view nya don masaya yung mga tao kaya dapat masaya din sya" 

"ba't na punta tayo sa baliw" sabay tigil ko sa paglalakad  

"naliligaw na ba tayo?" 

"hindi" tiningnan ko ang hospital "pupunta tayo sa ate mo" 

Nag imbento lang kami ng dadalawin madali man lang kayang kaya kong tingnan ang lahat ng forms kase walang nakakakita sa akin. Pagdating sa 3rd floor. Nakita na namin yung ate nya. Well what do I say maganda nga talaga sya. Kaso may nadala ng imusyon tumakbo ba naman papunta sa ate nya. 

"ate I miss you so much" wag kang pabigla bigla hindi ikaw ang nakikita nya  

"sandali lang sino ka?" tapos tiningnan si katherene "ikaw yung manyakis nong nakaraang linggo" 

GHOST TO KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon