CHAPTER 3

1 1 0
                                    

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko sa lalakeng bakla to.


Kasalukuyan kaming nasa isang malapad na kwarto, kung saan mayroong billiard table sa gitna. Marami ring mga tao dito, at halos lahat ay mga kalalakihan. Tanging kami lang ring dalawa ng baklang to ang nakasuot ng school uniform.


"Manunuod" maikling sagot ni'to at iniabot sa akin ang isang cartolina. "Cheer mo na rin ako"


"ANO?!" gulat kong tanong sa kanya. Billiard game?magche'cheer? sa pagkakaalam ko, dapat kalmado at tahimik lang yung mga manunuod dito. Nahihibang na ba sya? Mabuti sana kung basketball to diba?


"Narinig mo na nga diba. Wag kang paulit-ulit" sambit ni'to at inirapan ako. Ang sungit naman talaga nito!


"Pwede naman sigurong maupo lang ako dito diba?" tanong ko sa kanya na may pagmamakaawa sa tono ng aking boses. Maawa ka, ayoko gumawa ng kahihiyan dito, huhuhu!!!! 


"Paano mo makukuha yung ID mo?" tanong ni'to at tinaasan ako ng kilay.


BAKLANG TO!!!


"Sige na nga lang" sambit ko at umupo na lamang sa isang sulok. Mukhang wala na akong choice kundi gawin ang gusto nya.


Laban Japan!Para sa ID!!!


"Magbihis ka" utos ni'to nang lumapit sya sa akin habang may inaabot na isang paper bag. "Baka may makakita sayo dito at masumbong ka sa school mo" dugtong ni'to.


Tinanggap ko rin naman ang paper bag na inaabot nya. 


Alam nya pala yung rules ng school namin....


"Andun yung cr" sambit ni'to habang nakaturo sa isang pinto na nasa kaliwa.


Agad naman akong tumayo at naglakad na papunta sa cr. Tamang-tama at wala ring tao kaya agad naman akong nagbihis . Isang pants, at isang hoodie. May kasama ring tsinelas ang mga ito kaya isinuot ko na rin. Pagkatapos ay ipinilo ko na ang uniform ko at ipinasok na sa paper bag na bigay nya sa akin kanina at agad na rin akong lumabas.


"Yan, mas bagay sa'yo" sambit ni'to nang makita ako. Tiningnan ko rin naman ang aking sarli. Sobrang laki ng hoodie at tsinelas, habang yung pants naman ay sakto lang sa akin.


"Sobrang laki nga eh" angal ko sa kanya.


"Wag ka ng umangal. Umupo ka na dito, hawakan mo tong cartolina. Gusto ko yung kitang-kita at rinig na rinig ko yung pagcheer mo ah?" sambit ni'to habang tinitingnan ako sa aking mga mata na tila'y naghihintay ng isasagot ko.


Sanadali naman akong napatitig sa mga mata nya. Ang ganda pala ng hugis ni'to.....mas lalo pang pinatingkad ang kanyang mga mata dahil sa mahaba at makapal ni'tong pilik-mata, at ang kanyang kilay na napakaganda ng pagkahugis... Mas lalo syang nagiging gwa---

Kahit SandaliWhere stories live. Discover now