"Ma, alis na po ako"
Pagpapaalam ko habang papalabas ng gate ng bahay namin. It's already 6:45 am at malayo-layo pa yung school ko na almost 30mins. ang byahe. Kasalanan to ng bakla na nakita ko kahapon sa isawan eh, ang gwapo nya kasi talaga. Hindi ako nakatulog ng maaga kagabi dahil sa kakaisip ng mukha nya!!
Paglabas ko ng bahay ay sakto namang may huminto ng townace sa harap ko. Nagmadali naman akong makasakay kahit na medyo puno na ang townace na huminto. Bahala na si superman, nagmamadali na ako!
"Pakiayos lang po ng upo"
Sambit ng driver kaya umisog rin naman ang mga tao at binigyan ako ng space---- kakaunting space na kalahati lang ng pwet ko yung kasya.
Ganito pala feeling ng ma'late. Kahit sobrang nagmamadali na ako kanina sa pagkilos, sayang parin yung effort ko dahil at the end late parin ako!!And more worst di pa ako nakaupo ng maayos, at pana'y titig pa tong estudyanteng lalake na nasa tapat ko!!Gusto nya sigurong matawa sa sitwasyon ko, pero pinipigilan nya lang. Haysstt, nakakahiya....
"Paabot po, dito lang yan baba" sambit ng Isang babae habang may inaabot na barya. Agad namang napahinto ang townace na sinasakyan namin.
"Ay shet!" sambit ko na lamang ng mahulog ako sa aking kinauupuan. Kakapit pa sana ako eh, pero wala pa lang makakapitan...
"Miss makakaupo ka na ng maayos" sambit naman ng lalakeng nasa tapat ko na pana'y ang titig sa akin habang nakangiti, hindi ko alam kung pang-aasar o pang-akit ba yung ngiti nya.
"Oo nga po"sagot ko at binigyan sya ng nakakahiyang ngiti habang inaayos ang pag-upo ko.
Hindi naman gaanong nakakahiya yungmga nangyayari sa akin ngayon.....Medyo lang. *sarcastic*
30 minutes passed at napakarami na ng sasakyan, kung saan malapit na ako sa school dun pa ako na'traffic ng husto!My gosh Friday!!
Napasilip ako sa katabi kong nagse'cellphone, makikitingin lang ako ng oras...
Infairness, may girlfrie sya....sana all diba, baby tawagan.
"Miss?" tanong ni'to na nakatitig na pala sa akin ngayon, habang iniiwas ang cellphone nya
"Ay, hehehe.... Makikitingin lang po sana ako ng oras" sambit ko at binigyan sya ng napaka'cute ko na ngiti
"7:30 miss" He answered. MY GOSH gumana yung pagpapa'cute ko!First time tong nangyari ah!
"Kuya paabot po,Salamat. Manong driver bababa na po ako" sambit ko at nagmadaling bumaba. No choice na ako kundi ang maglakad kahit malayo-layo pa yung school ko, sobrang traffic na kasi!
Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi magmdali dahil naririnig ko ang bawat yapak ng taong nasa likod ko. Tila'y nagmamadali rin ito sa tuwing binibilisan ko ang lakad ko. Sana naman hindi ako manakawan oh, napakamalas na talaga ni'tong araw na'to!
"Hey!" rinig kong sigaw ni'to mula sa likod ko. Baka hindi ako yung tinatawag nya....
"Miss!" muli ni'tong sigaw. Mukhang pamilyar ang boses nya ah...
"Hey!Miss!" ulit ni'tong sambit, ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas lalo ko pang binilisan ang bawat hakbang na aking ginagawa.
"Miss!Ano ba!" muli ni'tong sigaw na may halong sa kaartehan sa kanyang boses, wait...Parang kilala ko to ah....Baka sisingilin lang ako ni'to sa isa na kinain ko kahapon.
"Miss!" ulit nyang sigaw ngunit hindi ko na naman muling pinansin ito. Mas lalo ko pang binilisan ang aking paglalakad hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presensya nyang nakasunod sa akin, tamang-tama at tanaw ko na rin ang gate ng school namin. Nagmadali naman akong makalapit roon.
YOU ARE READING
Kahit Sandali
DiversosLahat tayo ay humihiling ng isang perpektong relasyon. Isang perpektong relasyon kung saan hindi na na'tin kailangan pang magkasakitan.... Isang relasyon na walang maiiwan, at walang mang-iiwan. Isang relasyon na kung saan ay walang aasa, at wala...