Chapter 5: Ruined

1.3K 34 3
                                    

Sa Pagpapatuloy...

Sakay ng eroplano, tuluyan nang nakaalis si K. Punong-puno siya nang pagsisisi. Tila libo-libong patalim ang nakatarak sa kanyang dibdib. Gusto na niyang makalimot ngunit parang nanadya ang langit. Kahit saan siya tumingin, everything reminds her about him.

"Ang tanga-tanga mo kase Karylle.Ang tanga-tanga mo!" singhal ng isang bahagi ng kanyang utak.

"Oo nga. Di ba nagsimula naman talaga lahat ng ito dahil sa katangahan ko?"pagsang-ayon niya.

Naalala niya kung paano nga ba nagsimula ang lahat.

<<

Nagtungo siya noon sa Unicorns Entertainment dahil sa pakiusap ng kaibigan niyang si Billy na siya na ang magpasa ng CD nito sa Pony Records.

Papauwi na siya nun nang unang magkasalubong ang landas nila ni Vice. Isang babae ang kanyang tinulungan nang aksidenteng mabuhos ang laman ng bag nito. Nataranta kasi ito nang magring ang kanyang telepono at di magkandaugagang hinalungkat ang kanyang bag.

Habang pinupulot niya ang sampung pisong barya na kasama sa gamit ng babae, nagulat na lamang si K nang may lalaking sumulpot sa kanyang harapan.Natumba siya at napasalampak sa sahig. The guy offered her a hand at nang maghawak ang kanilang kamay, may kung ano siyang naramdamang dumaloy na enerhiya sa kanyang sistema. May magic, yun ang akala niya. Natulala siya nang mag-angat siya nang tingin at masilayan ang maamo ngunit misteryoso nitong mukha.

Tinulungan siya nang lalaki na tumayo ngunit hanggang nakaalis na ito naiwan lang siyang nakatulala sa kanyang kinatatayuan. Natanaw pa niya itong mala-modelong naglakad papapalabas ng gusali.

Nagpasya siyang maglakad na lamang pauwi tutal hindi naman kalayuan sa kanilang tinutuluyan ang Mother Horse St. Hindi mawala sa isip niya ang lalaking yun.

Pagdating niya sa kanto kung saan sana siya liliko pauwi, isang pamilyar na pigura ang natanaw niya sa di kalayuan.

//
"Hello. Alex, I'm on my way na. Pakisunod na lang yung papers," ani Vice.

Inip na nakamasid si Vice sa stoplight sa di kalayuan. Niluwagan niya ang kanyang suot na necktie. Sanay na sanay na siya sa ganito pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Sinong di kakabahan?Half a billion pesos lang naman ang nakasalalay sa deal na 'to. Pero hindi lang naman yun...ito na ang chance nya,chance na mapatunayan ang sarili niya sa tanging babaeng minahal niya noon. Ilang taon na ang lumipas at hindi nya matantya kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga at nang ama nito sa muli nilang paghaharap.

<<
"Sos, maniwala ka naman sa akin. Wala akong alam sa sinasabi nila," pagsusumamo ni Vice. Pilit niyang hinawakan ang kamay nito.

Hindi umimik ang dalaga.Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha. Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ni Vice.

Tuluyan na ring naiyak si Vice. Lumuhod siya sa harap nito at muli ay nagsumamo. "Sos, please. Makinig ka naman plea.."

"What are you doing here!?" Sabay na napalingon ang dalawa nang lumabas ang tatay ng dalaga.

"Sir, please. Hayaan nyo po akong makapagpaliwanag," ani Vice.

"Wala akong panahon sa mga walang kwentang taong katulad mo. Lumayas ka sa pamamahay ko!" Matigas na turan nito.

"Sir, please po..."

"Get out!Wag mo nang hintaying ipalapa kita sa mga aso."

Beep!Beeeeep! Beeep!!!

Nagbalik siya sa ulirat dahil sa sunod-sunod na busina ng mga sasakyan.

Napabuntong hininga siya. Bigla siyang pinagpawisan nang maalala ang tagpong yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ViceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon