Note: Ang mga tauhan, lugar at mga pangyayaring nabanggit sa storyang ito ay pawang kathang-isip lamang.Alam nyo yan.Wag kayong ano. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at di sinasadya ni J.Charot!
Unti-unting nagmulat ng mata si K at dahan-dahang nagbalik sa kanyang ulirat. Halos mapabalikwas siya nang kanyang mapagtanto ang mga nangyari. Nasaan ba ako? Hindi pamilyar sa kanya ang malaking silid. Oh God. I passed out nga pala. Naalala niya ang nangyari sa restaurant. Si Vice!?
Sinubukan niyang kumilos ngunit di siya makagalaw. She felt so warm being wrapped in familiar arms. Namula siya sa hiya nang sumagi sa alaala ang mga nangyari kanina. Bahagyang namutawi ang saya sa kanyang kalooban nang mapagtantong yakap-yakap siya ni Vice. Buong akala niya kangina'y iiwan na siya nito. Kumislot ang kanyang kalooban nang muli ay maisip yun. Alam niya,sa puso niya, ayaw niya itong mawala. Hindi ko yata kaya.
Sa kabila nang pangambang lalayuan na siya nito, batid niyang nakadarama siya ng bahagyang galak at kapanatagan ngayong kapiling niya ang binata,na mahigpit na nakayakap sa kanyang likuran. She inhaled the scent she have become so accustomed to and sighed in blessed contentment. Malay mo, maintindihan niya din kung bakit.
"Vice,"anas niya. Then in a rush and totally uninvited,all the memories of what have transpired came crashing back to her.
//
Isa na namang sorpresa ang hinanda ng binata. Buhat nung huling mag-usap sila nang masinsinan at hiniling nitong bigyan siya nang pagkakataon ng dalaga at nawa ay habaan pa nito ang pasensya sa kanya, sunod-sunod ang mga paandar ng niya.Maaga pa ay bumungad na sa kanya ang mala-adonis nitong mukha na malambing siyang ginising. Dinala siya nito sa venue kung saan gaganapin ang pinakabonggang Fun Run ngayong taon,ang TAKBO JUNJUN TAKBO! na nagsusulong ng awareness at healthy lifestyle para sa mga kabataan. Palibhasa'y hilig ito ng dalaga,labis niya itong ikinatuwa lalo pa't alam niyang di naman talaga mahilig sa ganito ang binata pero pinilit niyang bumangon ng maaga para sa kanya.
Pagkatapos ng takbuhan, masaya silang nagsalo sa masarap na almusal sa Boom Fanny's, ang paboritong kainan ni Vice. Walang pagsidlan ng ligaya ang dalaga sa ka-sweetan ng kasintahan.
Mula roon ay sa hotel sila dumiretso upang maligo at makapagbihis dahil may kalayuan din ang tahanan ng dalaga dito.
Pagdating sa hotel, mabilis na naglakad papasok ang binata, hila-hila ang dalaga na mula kaninang umaga pa'y di na mabitaw-bitawan ang kamay.
"Good morning Vice,"bati ng manager bago pa man sila makapasok sa elevator na sinuklian naman ng kindat ng huli. Noon napagtanto ng dalaga na marahil ay isa na naman ito sa mga pag-aari niya.
Mabilis silang naglakad sa hallway habang magkahawak pa rin ang mga kamay. When Vice stopped abruptly, turned and dipped her back in a lavish heated kiss, she was too stunned to do more than hold on.
"What was that?"-Karylle
"A prelude," ani Vice sabay kindat."Jokonli," biglang bawi nito na may ngiting ipis na naman. Then Vice pulled a master key out of somewhere and a moment later they were in a room. Bigla siyang hinila nito,closer to him,nilapag sa sahig ang bitbit nitong bag at pagkatapos ay siniil siya ng isang masuyong halik sa kanyang mga labi.
Sa pagkakataong iyon, bawat paggalaw ng kanyang mga labi, hatid ay tila liwanag sa isang gamogamo na nakadadarang sa dalaga. Naging masidhi ang kanilang mga halik. Unti-unting naglakbay ang mga kamay ng binata sa kanyang katawan. Everywhere he touched her left trails of fire behind. The clean, hardworking scent of his skin was an aphrodisiac and intoxicant at once,spurring her desire for him until she felt like she was about to lose her mind. Ngayon lang siya nakadama ng ganito. Ngunit bago pa mang tuluyang makalimot, bigla siyang nakadama ng ibayong kaba. Muli ay nanumbalik sa kanya ang takot na noon pa'y bumabagabag sa kanya at tila natuod sa kinatatayuan. Natigilan din ang binata nang maramdaman ang kanyang pagtigil.
BINABASA MO ANG
Vice
Romance*FSOG INSPIRED* Sa mga batang mambabasa,BAWAL ANG BATA DITO...pero...WALANG BASAGAN NG TRIP.