“Jane, may tumatawag sa 'yo.”
Mabilis akong umiwas sa titigan namin ni Kier at nahihiyang ngumiti kanila Trisha. Pakiramdam ko namumula buong mukha ko ngayon.
“Uh, excuse.”
Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanila. Si JB kasi 'yong tumatawag. Hindi ko rin alam bakit.
“Yes, hello, JB?”
“Hi, Jane! Galing ako sa inyo, umalis daw kayo. Gusto sana kitang yayain sa amin, dumating si papa galing Canada. Kahit dinner lang sa amin, puwede ka ba?”
Napakagat ako sa labi at napahimas sa batok. Paano ko ba siya tatanggihan, ngayon lang siya nag-aya sa akin nito, kaso naman hindi ako puwedeng umalis ng hindi nagpapa-alam kanila lola.
“Jane, still there?”
“Yes! Yes, I'm still here.” napa-pikit ako at tumango kahit na hindi niya nakikita. “JB, ano, hindi kasi ako puwede umalis basta-basta. Baka mapagalitan ako ni lola kapag umalis ako rito sa bahay nila Trisha ng hindi nagpapa-alam sa kaniya. Sorry ha?”
“Ayos lang, yayain na lang kita sa susunod,” sinundan pa niya iyon ng tawa. “Sinong maghahatid pala sa iyo mamaya? Puwede kitang ihati—”
“Jane, nagtext na si Mamu. Sabay tayong pinapupunta sa inyo ngayon,”
Mabilis akong lumingon sa likod at napasinghap dahil sa lapit ni Kier sa akin. Napanguso ako rahil napaka seryoso ng tingin niya sa akin at habol ko ang hininga ko.
“Jane? Si Kier ba 'yon?”
“Oh my,” mabilis na naibalik ang atensyon ko kay JB. Nakakahiya! “Sorry JB. Si Kier 'yon, siya kasi kasama ko magpunta rito sa bahay ni Trisha and uh...kasasabi niya lang na sabay na kaming pinapauwi sa amin. Uhm, sa kanya ako sasabay pauwi, JB.”
“Ahh, sige. Ingat ka ha? I mean ingat kayo. Bye! See you sa school, Jane!”
Napabuntong hininga ako at nilingon si Kier. Bahagya akong ngumiti, “Aalis na ba tayo?”
“Yes.” sagot nito habang mariin pa ring nakatingin sa akin. Bahagya siyang ngumiti, “Hinihintay ka ni Trisha sa kusina,”
“A-Ah yes, si Trisha! Sige, excuse!”
Mabilis ko siyang iniwan doon at hindi ko mapigil ang mumunting ngiti sa mga labi ko. Kinikilig na ba ako nito? My ghad, Sofia Jane! What the hell, simpleng ngiti niya lang nagkaka ganyan ka na!
Nadatnan ko na nag-uusap si Airon at Trisha. Natigil lang sila ng makita ako. Malapad na ngiti ang ipinakita ni Trisha samantalang ngising aso naman kay Airon.
“Trisha, aalis na raw kami. Magpapaalam lang sana ako,”
“Sige po, Ate Pia. Ingat kayo ni Kuya JB!”
Niyakap ko siya bago rin nagpaalam kay Airon. May pahabol pa siyang sinabi sa akin na hindi maalis-alis sa isipan ko...
“Matataya rin siya sa sarili niyang laro, Jane. At siya naman ang maghahanap.”
Dumaan ang isang buong linggo na hindi man lang nawala sa isipan ko ang sinabi ni Airon. Ayaw ko mag assume kaya napaduko na lang ako sa libro na nasa table ko. Nasa library ako ngayon, si Sittie lang din kasama ko.
“Anyare? Mukhang problemado ka ah,”
Nag angat ako ng ulo at napatawa na rin dahil sa sobrang curious ng reaction niya.
YOU ARE READING
Heartless Trap
RomanceSofia Jane Herriego, the almost perfect person you could meet. But there is something they do not know about her. She's secretly hoping that one day, her ultimate crush will notice her. And that day came... *** Book cover source: Pinterest Credits...