Prologue

14 2 0
                                    

“Feb-stival na, single ka pa rin!”

Umulan ng asaran ang buong pwesto namin dito sa coffee shop na stall, sa loob lang din ng school. Feb-stival today, it means araw ng mga puso. February 14.

“Ginaganyan niyo naman si Sofia, huwag niyong asarin, i-reto niyo! Nakakasawa na kasi na lagi siyang third wheel sa inyo.” -Sittie

Sinundan pa iyon nang nang-aasar na tawa. Napailing na lang ako sa mga kalokohan nila. Porket may mga boyfriend sila ang lalakas mang-asar, except kay Sittie, she's a Muslim kasi.

“As if magpapa-reto ‘yan.” Masungit na singit ni Leilanie sabay tawa. “Naka-ilang reto na tayo kay Ate Pia, pero walang umubra. Failed lahat.”

“True, sis, true!” Si Ryan na nagli-liptint matapos uminom ng gatas na nabili niya sa isa sa mga stall dito sa school. “Baka kalahi natin na Eba ang nais mo, Pia, ha. Nako talaga. Sabihin mo lang at suportado ka namin,”

Nag-flip hair pa siya kunwari sabay peace sign kay Sophia na masama ang tingin sa kaniya. Kinuha kasi ni Ryan ang cupcake nito.

“No need mag-reto kay Ate Pia, may crush ‘yan eh.” -Trisha

Dahil sa sinabi niya sa grupo, hindi nila ako pina-alis sa pwesto ko hangga’t hindi ako nagku-kwento kung sino ang crush ko. Iyon ang naging dahilan kung bakit nila nalaman kung sino nga ba ang lalaking hinahangaan ko.

Nandito kami ngayon sa open field para panoorin ang mga schoolmates namin na mukhang masayang-masaya sa event today. At sabi nila ha-hunting-in namin ang crush ko. Ang bilis kasi nila mag-search sa Facebook kung sino, meron tuloy silang hawak na picture.

Nalaman nila na nandito sa open field si Kier dahil sa post nito sa Facebook. Na wala pa mang fifteen minutes ay nakakuha na agad ng ilang daang reactions mula sa iba’t-ibang tao. Famous for short.

“Nasaan na ba ‘yon? Hirap hanapin ah, ayaw pa kasi ni Pia puntahan mismo sa stall kung nasaan eh.” -Ryan

“Ay ayun oh! Ayun si Kier!” malakas na sabi ni Sophia na may kasama pang turo sa direksyon kung nasaan nga si Kier.

“Ay hala hoy, ‘wag na kasi. Paghanga lang naman eh,”

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil napatingin ang ibang student sa amin. Balak kasi nilang tawagin at ipakilala ako. Naku naman! Nakakahiya!

“Kahit na, malay mo ma-crushback ka! Hahahahah!”-Sittie

“Dapat kasi marami crush mo, para maraming chance na ma-crushback ka!” Panenermon ni Ryan.

Napa-hampas na lang ako sa noo at dahan-dahang itinakip sa buong mukha ko ang dalawang palad. Tinawag kasi nila si Kier! Put-chacha. Tapos ngayon ko lang din nalaman, kaibigan ni Ryan ‘yong mga kasama.

“Pare,”

“Yo, Ry.”

“Musta, Ry?”

Foot-ang-ina. Pinaka-maayos na mura ko ‘yan.

“Baka gusto niyo kaming ipakilala sa, ehem, kasama niyo?”Nilingon pa ako ni Ryan at saka siya ngumisi. “By the way, she's Sofia Jane Herriego.”

“We know her, who would not.” Nginitian pa ako no’ng lalaki. “Ah, by the way, he's Kier. New member of Reval.”

Tinanguan lang kami ni Kier at nanatili ang tingin niya sa cellphone na hawak. What the hell. Ang sungit, pero ewan ko ba bakit crush ko siya. By the way, Reval is a band here in school.

“And crush siya ni—shit!”

Kunwari nabitawan ko ang shake na hawak ko at dumiretcho kay Ryan. Sheet-of-beach.  Hindi pa ako ready na malaman ni Kier.

“Ay, hala! Sorry, Ryan! Hindi ko sinasadya!”

“Ayos—”

Naputol ang pagsasalita ni Ryan nang magsalita si Kier. Damn-of-water.

“Crush nino?”

“Ni Sofia! Siya,”

Para akong naka-kita ng multo, alam ko ngayon na namutla ako. Lalo na nang tignan niya ako nang diretcho, at napunta sa akin ang buong atensyon niya.

“May iku-kwento ako, alam mo ba na first time niyan magka—”

“Not interested.” pagpuputol nito sa sinasabi ni Ryan. “And i do not care. I gotta go, i still have important things to do.”

And... that’s it. He doesn't care. Ouch.

***

Heartless TrapWhere stories live. Discover now