Chapter 2

2 1 0
                                    

I don't know what to do, i mean, ugh. Parang hindi ko kayang makasama sa isang table si Kier. Lalo na at nandito si kuya.

Nakakahiya!

“Long time no see!”

Pinagtuunan ko na lang ng pansinin ang juice na nasa harapan ko. Hindi ko yata kayang matingnan man lang si Kier o lola niya.

“...and this is Jane.”

Mabilis akong tumingala at tumayo para makapag mano. Mas nakakahiya kung hindi ako magma-mano ano.

“This is my apo, Kier.”

“Pleased to meet you po,” nagmano rin siya kay lola, nakipag-shake hands kay kuya at ng mapadako ang tingin niya sa akin, parang gusto ko na lang umuwi. “Nice to meet you, too.”

“N-Nice to meet y-you...” mabilis kong inabot ang nakalahad niyang kamay at parang may kuryente ng magdikit ang mga kamay namin. Kaya naman mabilis ko itong binawi.

Tumikhim ako at sinabayan sila lola sa pag-upo. Hinihila ko pa lalo pababa ang laylayan ng dress ko sa sobrang kaba. Napatingin ako kay kuya, mabuti na lang busy siya sa cellphone niya kaya hindi niya napapansin na hindi ako komportable rito ngayon. Baka kung ano pa ang isipin niya.

Hindi ko mapigilan na pasimpleng sulyapan si Kier at minsan ay nahuhuli pa niya. Nakakahiya talaga!

“Uhm, excuse po. Pupunta lang ho ako sa rest room. Excuse,”

Habang hawak nang mahigpit ang cellphone ay malalaki ang hakbang ko papunta sa rest room. Parang hindi ko kakayanin ang presensya ni Kier sa iisang lamesa lang.

Pagpasok sa rest room ay agad akong naghugas ng kamay at tinitigan ang sarili sa salamin. Parang naglagay ako ng blush on sa mukha kahit hindi naman. Ganito ba ang epekto niya sa akin? Hay nakakahiya, Jane, umayos ka.

I need a reason to get out of here. What reason can I tell them? Kier's grandmother might think I don't like them.

“Jane mag isip ka ng dahilan, bilis!” i whispered to my self while looking at the mirror.

And as if on cue, i received a text message from Trisha.

Ate Pia? You free? Pwede mo ba akong tulungan mag-edit? I badly need it tomorrow, ate.

I replied,

I'm on my way, Trish! You're a blessing!

Such a blessing, Trisha!

Inayos ko muna ang sarili ko bago bumalik sa table. Nagkatinginan kami ni kuya at naninimbang ang mga tingin niya. Napadako naman ang tingin ko kay Kier, and i mentally scolded my self. Nakatingin din pala siya sa akin!

“What took you so long? Akala namin nilamon ka na ng inidoro.”

Inirapan ko na lang si kuya dahil sa sinabi niya. Napaka epal kahit kailan. Panira ng diskarte, balak ko na pa man din magpaalam kay lola.

“‘La?  Uhm, pwede ho ba na mauna na ako? Tutulungan ko ho kasi si Trisha na mag-edit. She badly need it tomorrow,”

“But apo—”

“Let her. Para naman makapag usap tayo, baka ma-bored lang ang mga bata.” Kier’s grandma said while smiling at me. “Alam mo naman, iba ang mga topic nila sa topic nating mga may edad na. Kaya hayaan mo na,”

Mabilis na pumayag si lola dahil sa sinabi ng lola ni Kier. Wow, gano'n kabilis kausap si lola. Hmp buti na lang.

“Sumabay ka na rin sa apo ko, hija. Paalis na rin siya kasi may tatapusin pa raw siyang school papers.”

Heartless TrapWhere stories live. Discover now