“Target found.”
“Parang tanga,”
“Tss. Matagal na ‘yang tanga,”
Minsan hindi ko alam kung paano ko sila naging kaibigan, sa totoo lang. Simula nang feb-stival, hindi na nila ako tinantanan. Kapag nakikita nila si Kier, ganiyan sila.
“Mali yata na sinabi ko na may crush si Ate Pia.” napakamot pa sa ulo si Trisha habang hawak ang gitara niya.
“Mabuti nga sinabi mo eh, chance na niya ‘to para magkajowa.” Sinundan pa ni Sittie ‘yon nang tawa na nang-aasar. “Hindi puwedeng fictional characters na lang palagi gusto niya,”
“Wow ha. Parang hindi ka in love sa mga fictional characters,” si Leilanie. Nagsusulat siya sa Filipino notebook niya. “Sabi mo nga asawa mo si Lovemir, eh.”
“Bukingan na ‘to,” singit ko sa usapan nila saka tumabi kay Ryan. Nagf-facebook na naman siya.
“Alam niyo ganito lang ‘yan eh. Tanungin na lang natin si Pia kung crush pa ba niya si Kier.” maarteng sabi nito at tinignan kami. “We all know na mabilis mawalan ng interes ‘yang si Pia, saka last year pa siya umamin kay Kier ah. Ang tagal na, third year highschool na tayo,”
“May point ka riyan, Ry.” pag-sang ayon ni Sophia.
“Saka last year no’ng sinabi na crush ni Ate Pia si Kier, ‘di ba parang ni-reject na rin niya? Tandang-tanda ko pa sinabi ni Kier noon eh. Not interested. And i do not care. I gotta go, i still have important things to do.”-Leilanie
“Wow naman, Lei. Tandang-tanda.” -Sophia
“Heh!”-Leilanie
Napa-inom na lang ako sa buko juice na nasa tumbler ko. Parang wala kami rito sa open field at may mga estudyante na dumaraan at naririnig ang usapan namin. Hindi ako maka-relate kahit ako at ang crush ko ang topic nila.
“Back to the topic. So, Pia, crush mo pa rin ba si fafa Kier?” maharot na tanong ni Ryan at lahat nga atensyon nila ay nasa akin na. Oh my gosh lang. “Yes or no lang sagot ha,”
“Uy bilis! Kinikilig ako eh!” tumawa pa si Sittie.
“Nakiki-kilig na lang tayo Ate Sittie,” -Trisha
“Hays,”-Leilanie
“Leilanie bitter!”-Sophia
“Depende,” sagot ko at natawa. ‘Yung reactions kasi nila akala mo ‘yung ulo ko gawa sa pinya at katawan ko zebra. In short, weird. “I mean, kapag nandiyan siya, crush ko siya. Kapag wala, edi hindi.”
Iyon naman ang totoo eh. Weather weather lang ‘yung pagka-gusto ko sa kaniya.
“So, ngayon na nandito lang din siya sa open field, crush mo siya?” -Ryan
“Yep. Tapos kapag wala na o hindi ko naman nakikita, edi hindi ko siya crush.”
“Kaya wala kang jowa eh,” -Sittie
“Wala ka rin jowa, Ate Sittie. Hihi.” -Trisha
Ngumuso na lang si Sittie at pabiro na inirapan si Trisha. Si Sophia lang ata ang may karelasyon sa grupo namin.

YOU ARE READING
Heartless Trap
Roman d'amourSofia Jane Herriego, the almost perfect person you could meet. But there is something they do not know about her. She's secretly hoping that one day, her ultimate crush will notice her. And that day came... *** Book cover source: Pinterest Credits...