"Uy bakla"
"Ano"
"May irereto ako sayo. Ito oh, tignan mo dali. Lima na yan ah"
"Ang dami naman.."
"Malamang, para may mapili ka, wag ka ng echos."
"Eh, ayoko.. magsasayang lang ako ng oras dyan"
"Ay ang KJ mo teh, ikaw na nga tinutulungan magka jowa ayaw pa"
"Ehh, Basta. Mag-aaral na lang ako"
"Ewan ko sayo, Basta binigay ko na mga names dyan. Pili ka na lang ha.... Babosh"
"Ito na naman tayo, reto dito, reto doon."
Bulong ko sa sarili ko.Bakit ba kailangan may jowa??
Mabubuhay naman tayo kahit wala nun diba??
Nakakasawa na kasi yung may nirereto nga mga kaibigan ko, sa online lang naman pwede mag-usap.
Ayaw ko ng ganun, mas gusto ko yung nakikita ko at nararamdaman ko.
Pero ano nga bang choice ko??
Isa lang akong pangkaraniwang babae.
Maganda??
Medyo..
Matalino??
Sobra
Mayaman??
Sakto lang
Matalino ako, yun ang bagay na sobrang maipagmamalaki ko kahit ganito lang ako.
Naglalakad na ako pauwi, katatapos lang ng part time job ko, nang makasalubong ko sa daan si Babs. Si Babs yung baklang palaging may nairereto sakin.
Tinignan ko yung binigay ni Babs na papel, naglalaman yun ng names ng mga inereto niya.
1. Kyle Asuncion
2. Mics Dela Cruz
3. Nico Gonzales
4. Ryle Brian Peñaflor
5. AJ Zarius Florante"Pangalan palang ang lakas na ng dating"
Bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa paglalakad."Sana isa na sa kanila yung para talaga sakin"
Napapangiti na lang ako sa iniisip ko.Tinuloy ko na lang ang paglalakad para makauwi ako ng maaga. Maaga din kasi ang klase bukas.
Napahinto ako bigla nung may mahagip ang mata ko sa hindi kalayuan sakin.
"Nag aaway ata sila" bulong ng mga taong nakikiusyoso din.
May nag-aaway nga na magkasintahan sa daan, kaya naman talagang agaw pansin.
"Hindi na kita Mahal Grace, Si Liza na Mahal ko" sabi nung lalaki sa babae habang naglalakad palayo.
"Hindi totoo yan, hindi totoo yan" paulit ulit na sinasabi ng babae habang hinahabol ang lalaki at habang umiiyak.
"Yun ang totoo Grace, hindi Kita Mahal. Dahil sa online lang naman kita nakilala. Hindi kita Mahal"
Parang nabuhayan ako sa mga nangyayari nung sinabi ng lalaking yun ang salitang online.
"Parang ayaw ko na tuloy mangyari sa akin yan"
Bulong ko at nagsimula maglakad palayo dun sa magkasintahang nag-aaway pa rin hanggang ngayon."Ganun pala ang love"
"Bakit umiiyak din yung lalaki kung hindi ?niya nga Mahal?"
"Parang ang OA naman pala pag may jowa"
Kung ano anong tanong ang naiisip ko dahil sa nangyari. Parang Ito na yung sign ko para hindi ko ituloy ang balak kong gawin.
"Bahala na"
Napapabuntong-hininga na sinigaw ko yun habang mabilis na naglalakad pauwi ng bahay.
YOU ARE READING
Finally Found A Match
RomansaMay isang lalaking palaging sinasabihan na ghoster daw siya, sa madaling salita palaging nangiiwan sa ere. Nagiging hobby na daw niya ang pangghoghost lalo na sa mga babaeng hindi siya interesado. Sa di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyan...