Precious POV
(Condition)
"Ma!! Pa!! andito na po ako" pasigaw na tawag ko habang papasok sa bahay.
"Bakit ngayon ka lang?" nagtatakang tanong ni papa. Pero di ko maiwasan matawa sa tanong niya
"dumating sa buhay ko" napapailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko.
Tumikhim muna ako bago sumagot "May dinaanan lang po" pagdadahilan ko na lang, ayaw kasi ni papa makipagkaibigan ako sa mga beks.. "mga bad influ daw kasi""Precious, halika na dito. Tulungan mo ko at nang makakain na tayo" tawag sakin ni mama, nandun siya sa kusina at naghahanda para sa hapunan.
Nilapag ko na lang muna sa kung saan yung bag ko at dumiretso na ako sa kusina para tumulong. Sakto naman naglalagay ako ng mga pinggan at dumating yung kapatid kong immortal.
"Kamusta ang kapatid kong pangit?" nanunuksong tanong ng kapatid ko.
"Patay na" mataray na sagot ko. Tumawa na lang siya at dumiretso sa CR.
Maya maya pa ay sama sama na kami ngayon sa hapag kainan, masayang nagkukwentuhan, tawanan, biruan, asaran at syempre di mawawala yung pikonan.
Masaya ako kasi kahit hindi kami mayaman, buo naman ang pamilya ko at higit sa lahat punong puno ng pagmamahal. Isang bagay din na gustong gusto ko na maranasan sa lalaking mamahalin ko din habang buhay.
"Pero, paano mangyayari yun eh, wala naman akong jowa"
"Ate, ikaw yung taya ngayon" nagulat pa ako ng bahagya dahil sa pasigaw na sinabi sakin ng kapatid ko.
"Ano ba? Di mo kailangan sumigaw, katabi mo lang ako oh" iritang sabi ko habang hinahawakan yung tainga ko.
"Ang sakit nun ah, may laway pa.. kadiri!!!"
"Ano ba kasing taya yun?" tanong ko ulit pero sa magandang paraan na.
"Maghugas ng plato" nakangising sabi ng kapatid ko habang pataas-baba pa yung kilay.
"Anak ng!!"
"Pero, marami akong assignments ngayon." pagdadahilan ko, kahit wala naman talaga.
"Buti nga sayo assignment lang, sa akin nga may Quiz kami bukas eh" pagrarason na naman Niya.
"Aba!! Matindi... Ayaw magpatalo ng mokong to!"
"Oh, Sige na.. Ako na maghuhugas, ako na. Ako na lang palagi" pagdadrama ko... May pa iyak iyak effects pa yan para naman may maawa.
Nagulat na lang ako nang sabay sabay silang tatlong tumayo at lumabas ng kusina.
"Anak ng.."
"Wala man lang naawa sa akin?"
Tumayo na rin ako at sinimulang linisin ang mga pinag-kainan.
Mga ilang minuto ay natapos na ako sa paghuhugas.
"Ma, Pa! Akyat na po ako sa kwarto ko" paalam ko kila mama at papa na nanood sa sala.
Hayss nakakapagod
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong hinubad yung palda ko at sunod naman yung blouse.
Hinagis ko na lang muna sa sofa dahil ang sakit na ng katawan ko. Gustong gusto ko ng humiga.
Idlip muna ako saglit, bago maglaba
Nakaidlip ako ng kalahating oras lang dahil nagising ako sa ingay ng cellphone ko dahil sa chats.
Sino naman kayang istorbo toh
Bok: "Uy bakla ka. Chat mo na yung mga nireto ko sayo."
Bok: "Marami ka ng pagpipilian, wag ka ng maarte ha"
Bok: "Malay mo, nasa listahang binigay ko ang makaka match mo"Listahan?
Ay oo nga pala!
Bigla ko naalala na may binigay pala sa akin si Bok, isang maliit na papel at dun nakasulat ang mga pangalan ng nirereto niya.
Asan na kaya yun?
Mabilis akong bumangon at kinuha yung bag ko, pero wala doon. Sunod ko namang tinignan yung uniform ko, pero wala din dun. Mabilis akong bumaba para tignan baka nahulog lang dun kung saan ko hinagis yung mga gamit ko.
Wala pa rin akong nakikita, naikot ko na yung buong kusina wala pa rin..
"Ate, para saan ito?"
Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko habang paakyat ako ng hagdan. Mabilis akong lumingon upang tignan kung ano ang tinutukoy niya.
😱
Nanlaki yung mga mata ko sa gulat dahil yung papel na hawak ng kapatid ko ay yung kanina ko pa hinahanap.
Patay ano sasabihin ko?
" Hoy!! Ate, anong nangyayari sayo. Bakit parang gulat na gulat ka?" nagtatakang tanong ng kapatid ko..
" A-ah w-wala h-hehe, May hinahanap lang kasi ako, tapos bigla ka magsasalita sinong di magugulat diba hahaha " pilit na ngiti na lang ang naipapakita ko, sana di niya mahalata.
"Ito kasi ate, napulot ko lang dyan sa sala. Mga pangalan ng lalaki yan ah, ano meron dyan?" nagtataka ngunit may halong panunukso na tanong ng kapatid ko..
"E-eh? HAHAHA wala yan, listahan ng mga di nagbayad kanina" mabilisang sabi ko sabay pakita ng pilit na ngiti.
Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag nang tumango na lamang ang kapatid ko sa sinabi ko.
"Akin na?" pagbawi ko dun sa maliit na papel..
Nagulat na lang ako ng biglang itaas ng kapatid ko yung papel, palibhasa kasi mas matangkad siya kesa sa akin.
"Akin na sabi yan eh" nagpipigil na lang ako sa inis dahil baka iba na naman ang isipin niya.
"Ibibigay ko sayo ito, sa isang kundisyon" naghahamong sabi ng kapatid ko.
Mautak talaga tong kapreng to eh..
Ano naman kayang kundisyon yun?
"A-ano naman yun?" di ko mapigilang hindi mautal, knowing my brother ang papangit ng kundisyon niya.
"Simple lang" May yabang na sa tono ng pananalita ang kapatid ko..
"Sabihin mo na agad, dami pang dada eh" inis na talagang sabi ko.
Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin ang kapatid ko.. Ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
Ano bang trip nito?
Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, nararamdaman ko na yung paghinga niya.
"Susundin mo lahat ng utos ko" diretso niyang sinabi yun sakin habang nakatingin sa mga mata ko.
Natulala pa ako sa sinabi niya. Lalong nag-init ang ulo ko dahil dun.
"Sira ka ba? At bakit ko naman gagawin yun? Ako ang ate mo.." Gigil na talagang sabi ko.
"Gagawin mo yun, dahil kung hindi" napatigil na naman ako dahil sa biglaang paglapit niya sa tainga ko at bumulong dun.
Napa-atras pa ako dahil sa sinabi niya. Pano niya nalaman yun? Wala na talaga akong takas sa isang toh.
"Ano? Gagawin mo ba o hindi?" mayabang na naman na tanong ng kapatid ko.
"Oo na! Gagawin ko na" pinapahalata ko talaga sa bawat salita ko yung inis at galit na nararamdaman ko ngayon.
Walang salita salita, hinablot ko ang papel sa kamay niya at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko.
Badtrip ka talaga....
Bwisit!!!
YOU ARE READING
Finally Found A Match
RomansaMay isang lalaking palaging sinasabihan na ghoster daw siya, sa madaling salita palaging nangiiwan sa ere. Nagiging hobby na daw niya ang pangghoghost lalo na sa mga babaeng hindi siya interesado. Sa di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyan...