Prelude

16 1 0
                                    

-


Walang hiya akong bumusina ng napakalakas sa traffic jam.

Rush hours are so damn...

Argh!

Kung kailan naman may importanteng gagawin, eh! Nangako pa naman ako sa mga bata sa orphanage na bibisitahin ko sila ngayon.

Inis akong napasabunot sa aking buhok at tinawagan si Mrs. Salinas-ang director ng bahay-ampunan. Pagkatapos ng dalawang ring, sumagot rin siya.

"Naku! Sorry, iha! Ngayon ko lang nasagot ang tawag mo!" bungad sa akin ni Mrs. Salinas.

"May naghold kasi ng program dito sa ampunan, kaya medyo busy pa ako," paliwanag niya. "Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo, iha?"

"A-ah! Gano'n po pala ang sitwasyon d'yan..."

Bumuntong-hininga ako.

"Gusto ko lang po sanang ipaalam sa mga bata na baka mahuli ako ng ilang oras. Traffic na naman po kase, eh. Alam niyo naman po ang kalagayan ngayon sa siudad natin."

"Sige! Sige! Walang problema! Maiintindihan ka naman ng mga bata!" sabi niya sabay tawa kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Alam mo namang hihintayin ka ng mga pamangkin mo kahit gaano katagal!" biro pa niya, na nagpangiti sa akin.

Halos lahat kasi ng mga bata sa bahay-ampunan ay Tita ang tawag sa akin kaya lahat sila, mga pamangkin ko na. Sanay na nga ako na Tita ang itinatawag nila, imbes na pangalan ko.

"Oh siya iha," basag ni Mrs. Salinas sa katahimikan. "Wala ka na bang iba pang pabor na hihilingin?"

"Ah, wala na po."

"Ganoon ba?" tugon niya. "Kung gayon ay ibababa ko na ang tawag at maraming mga preperasyon ang nangangailangan ng tulong ko."

Lumungkot ang boses ni Mrs. Salinas. "Pagpasensyahan mo na, iha. Ingat ka sa pagmamaneho!"

"Naiintindihan ko po. Paalam!" Saka ko pinindot ang 'end call'.

May program pala mamaya sa ampunan. Magiging masaya na naman ang mga bata.

Ewan ko ba, kung bakit sa simpleng pag ngiti ng mga pamangkin ko, masaya na ako. Masyado na ata akong napapalapit sa mga bata dahil sa linggo-linggo kong pagbisita sa kanila.

Naglalaan ako ng isang araw sa bawat linggo para bisitahin sila. Nauunawaan ko ang pakiramdam na lumaking hindi nararanasan ang pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang. Kaya itinatak ko sa aking isip na ipaparamdam ko sa kanila ang pagmamahal na ipinagkait sa kanila.

Dumaan ang ilang sandali, unti-unting bumilis ang usad ng mga sasakyan kaya nakarating din ako sa bahay-ampunan.

Miracle Orphanage...

Basa ko sa malaking karatulang nasa bungad ng bahay-ampunan. Nakabukas ang gate kaya malaya kong ipinasok ang aking kotse sa loob at doon na rin nagpark.

Napansin kong marami ring sasakyan ang nakaparada. Marahil ito ang sinakyan ng mga nagpaprogram ngayon dito sa Miracle Orphanage.

Dumiresto lang ako sa pasilyo at agad na pinapasok ng guard. Kilalang-kilala na ako ng guard dahil halos dito na ata ako tumira.

"Ma'am!" masayang bati sa akin ni Mang Erwin, yung guard.

Sinuklian ko naman ito ng matamis na ngiti.

"Uy, Boss! Ang gwapo niyo ngayon ah!" Tinaas-taas ko ang kilay ko.

Napahalakhak si Mang Erwin. "Si Ma'am talaga, mapagbiro. Pomada lang naman 'tong ginamit ko."

Ad InfinitumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon