I

12 0 0
                                    

-

Chapter I: Fire

"Okay. That's all for today, class. Dismiss."

I yawned and stretched my arms as I saw our teacher leave the room.

Hay, sa wakas. Natapos din.

I glanced at my wristwatch.

Drat! I'm late!

Agad kong kinuha ang mga gamit ko at madaling tinakbo ang pagitan ng aming classroom at ng clubroom. Marami akong nabubunggong tao kaya habang tumatakbo, I am shouting 'sorry' at the same time.

Bakit ba kasi ng laki ng Vanguard International University? Tapos ang layo pa ng clubroom namin!

I'm panting hard as I stopped infront of a big, old garage that seemed isolated from the campus. The wall's paint were a bit faded and steel entrance is rustic.

Well, I admit the outside appearance of our clubroom looks eerie. But the inside?

Nah! It's way better than what you think. Let me tell you sooner. The insides were on a whole new level.

It has murphy beds, chandeliers and stuffs that made an old, abandoned garage look fancy and sophisticated.

Well, I couldn't expect less from those four bratty boys that can afford the prestigious school of Vanguard International University (VIU for short).

I opened the garage's door with my full strength. "Ang bigat!" pabulong kong reklamo habang tinataas ang tarangkahan.

Sino na naman bang kasing nagsara nito?

Alam kong 'di ako kumikilos sa harap nila tulad ng isang normal na babae, pero pangbabae pa rin ang katawan ko! Mga walang talagang konsiderasyon 'tong mga lalaking 'to!

Nakasimangot akong pumasok sa loob. "Sinong nagsara ng pinto?" Hindi makatingin sa akin ang apat na lalaking nasa loob.

"Uh, how's class Orell?" says Fierro, trying to change the subject.

"Sinong nagsara ng pinto?!" I stressed the words out. This time, I'm not asking questions but demanding for answers.

Ang apat ay tila nasindak. Walang sumagot sa kanila pero pasimpleng tinuro ni Lewis si Devlin.

"Demonyo ka Devlin~" kanta ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "HUH? SINONG NAGSABI-"

Hindi niya pa natutuloy ang sinasabi niya, hinabol ko na siya para batukan.

"Uy, yung drum stick ko!" sigaw ni Fierro no'ng ibato ko iyon kay Devlin. Pero nailagan niya ang binato ko kaya mas lalo lang akong nainis.

Devlin and I ran in circles not minding the mess that we make. The other three are just sitting in a couch dahil alam nilang 'di nila ako mapipigilan hanggat 'di ko nabawian si Devlin.

Lewis sighed. "Magpahuli ka na kasi, D."

Sumagot si Devlin habang tumatakbo. "Ba't ba kasi nilaglag mo 'ko!"

Hindi tumagal ng dalawang minuto ang paghahabulan namin dahil nauna akong sumuko. Ang bilis na ngang tumakbo ni Devlin, pagod pa ako sa kakamadali ko kanina. Wala akong panama sa kanya sa sitwasyon ko ngayon. Kaya napagdesisyonan kong daanin na lang sa usapan ang lahat.

"C'mere, Devlin..." I pleaded between my gasps.

"Ayaw!" sabi niya.

"Just get your friggin' ass here!"

Ad InfinitumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon