Chapter 4: The Past Bothers

3 1 0
                                    

Pearl's POV (as Ryu Jin Joo)

"Anong problema? Ikaw na itong nakabanggang sa akin, ikaw pa ang may ganang magalit ng ganyan." Sabi ni Yoon Gi sakin. Aba, masapak ko kaya tong lalaking to.

"Malamang, hindi ka rin tumitingin sa dinadaan mo." sabi ko sa kanya.

"Tama na yan. Baka tayo ay marinig ng emperatrist at mapagalitan tayong lahat." sabi ng isang lalaki na mas matangkad pa sakin.

"May araw ka rin sakin." sabi ko sa kanya at umalis sa harap nilang tatlo.

"Sandali lamang, Jin Joo." sigaw ni Yoon Ji. "Paumanhin sa nangyari kanina, prinsipe Yoon Gi, mag-uusap tayong dalawa." dagdag ni Yoon Ji saka sinundan ako.

Prince Min Yoon Gi's POV

"Sino iyong babaeng kasama ang iyong kapatid?" Tanong ni Tae Hyung sa akin.

"Kapatid ni Eun Ae." Malamig kong sagot sa kanya.

"Magkamukha sila ng kanyang kapatid, hindi ba Nam Joon?" hirit ni Tae Hyung.

Tinignan ko lang ng masama si Tae Hyung.

"Totoo naman ang sinabi ni Tae Hyung, Yoon Gi." sabi ni Nam Joon.

"Wala akong panahon sa kanyang kapatid lalo na kay Jin Joo." inis kong sabi at iniwan ang dalawa.

Nakakainis siya, lalo na si Eun Ae. Sa tuwing nakikita ko si Eun Ae, sumasama ang buong araw ko. Kapag si Jin Joo naman ang nakikita, nag-iiba ang takbo ng buhay at araw ko. Hindi kaya........Ano ba, Yoon Gi, hindi ka nagkakagusto kay Jin Joo. HIndi!

Pearl's POV

"Sandali lamang, Jin Joo, napakabilis mong maglakad na parang nagmamadali ka." reklamo ni Yoon Ji.

"Alam mo yang Min Yoon Gi na yan, may araw yan sakin, tatandaan ko tong araw na to na ginawa niya to sakin!" galit kong saad.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo ngunit alam kong galit ka sa kanya kaya huminahon ka muna o kung gugustuhin mo naman ay doon tayo sa hardin." sabi ni Yoon Ji sakin. Oo nga pala di niya ako maiintindihan kasi iba ako makipag-usap. L*che ka talaga, Min Yoon Gi. May araw ka rin sakin.

"Sige sa hardin muna tayo, pansamantala. Para naman lumamig ulo ko." pagsang-ayon ko.

Pumunta agad kami sa hardin para di na ako sumabog ulit sa galit.

Sa Hardin ng palasyo....

"Y-Yoon Ji, di mo naman sinabi sakin na maganda pala ang hardin dito sa palasyo." sagot ko sa kanya. Ang ganda ng hardin nila, ngayon ko lang nakita to sa buong buhay ko. Akala ko simple lang to, hindi pala.

"Napaka-espesyal nitong lugar na to para saming tatlong magkakapatid. Dahil dito nag-umpisa ang mga hangarin namin sa panahon na to." sabi ni Yoon Ji sakin.

Naglakad-lakad kami sa hardin. Hanggang sa makarating kami sa gitna kung saan may.... Wishing well?

"Bakit may ganto rito?" tanong ko bigla kay Yoon Ji nang makarating kami sa balon.

"pinasadya talaga naming magkakapatid na magkaroon ng balon rito. Dahil kay Prinsipe Ji Min. Mahilig kasi siyang humiling kahit imposibleng mangyare."sagot ni Yoon Ji.

"Magkatulad lang pala kami ni Ji Min. Lagi akong humihiling. Pero may isa akong naging hiling na hindi natupad." sabi ko sa kanya. Naalala ko yung panahong nawala si Dada sa buhay ko.

(a/n: para sa kaalaman ng lahat ng readers ko, ang biological father ni Pearl Mayle ay namatay na. Malalaman niyo ang totoong nangyare sa pagkamatay ng biological father ni Mayle after ng journey niya sa Joseon Dynasty.

The Last Past Prince (Min Yoongi ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon