Pearl's P.O.V (as Ryu Jin Joo)
"Nandirito na pala ang dalawa mong napakagandang anak, Ryu Han Shi." Sabi ng emperatrist.
Nag-bow kaming dalawang magkapatid sa harap ng emperatrist.
"Nagagalak akong makita kayo, mahal na emperatrist, lalo na ang inyong mga apo." Sabi ni Eun Ae. Wow! Kapal ng face, porket nakita lang niya yung magiging asawa niya na si Yoon Gi.
"Kung ang emperatrist ay nagagalak kang makita, ako hindi." Sagot ni Yoon Gi.
Natawa ako ng palihim sa sinabi ni Yoon Gi. Savage 101 pa nga. Natawa din ang kapatid niya na si Yoon Ji. Buti nakilala ko yung kapatid niyang babae dahil sa picture na nalakap ko sa internet habang ginagawa ko yung presentation ko. Wait! Gagi! Yung presentation ko nga pala. Yawa! Pano nga pala ako makakabalik sa panahon ng modern years kung nandito ako🤦♀️.
"Min Yoon Gi, ang pananalita mo." Saway ng emperatrist.
He rolled his eyes. Tama nga ako, suplado nga, maldito pa.
"Ahn Ji, dalhin mo muna ang mga anak ng ating bisita sa silid at kami rito ay magpupulong." Utos ng emperatrist.
"Masusunod po." Sagot ng alalay ng emperatrist at nag-bow siya. "Halina muna kayo sa inyong pansamantalang silid." Sabi niya samin. Sumunod lang kami.
Nasaktuhan kong tumitingin sakin si Yoon Gi pero napaiwas siya. Ano kayang gusto neto sakin?
*sa silid*
"Maiwan ko muna kayo." Sabi ng alalay ng emperatrist samin ni Shin at umalis.
"Nakakapagod ang pagpunta rito." Reklamo ko.
"Masasanay din po kayo, mahal na prinsesa." Sabi sakin ni Shin.
"Buti nalang hiwalay ang silid naming dalawa ni Eun Ae, baka mag-away nanaman kaming dalawa kapag iisang kwarto kaming dalawa." Sabi ko.
"Oo nga po pala, mahal na prinsesa, bakit mo nga po pala nasabi yung mga salita na sinabi mo sa iyong kapatid? Alam mo po talaga na kinaiinisan ka niya noong bata palang kayo??" Tanong sakin ni Shin. Oo nga noh, ba't nga ba?
"Halata naman na kinaiinisan niya ako noon pa." Sagot ko.
*knock, knock*
"Tignan mo, Shin, kung sino ang tao sa labas."Sabi ko. Tumayo si Shin at binuksan ang pinto.
"Prinsesa Min Yoon Ji." Nagulat ako sa sinabi ni Shin. Si Yoon Ji? Anong ginagawa niya dito?
"Gusto ko lang makita si Jin Joo." Sabi ni Yoon Ji.
"Papasukin mo na, Shin." Sabi ko at pinapasok niya si Yoon Ji.
"May kailangan ka, Yoon Ji?" Tanong ko.
"Gusto kitang makausap *lumingon si Yoon Ji at tumingin kay Shin* nang tayong dalawa lang." Sabi niya at binalik ang tingin sakin.
"Shin, iwan mo muna kami ng mahal na prinsesa." Utos ko kay Shin at lumabas silang lahat maliban samin ni Yoon Ji.
"Yoon Ji." Tawag ko sa kanya.
"Ate Jin Joo, may kutob na ako kay Eun Ae." Sabi sakin ni Yoon Ji.
"Anong kutob mo? Tsaka malaki ba ang galit sakin ng kapatid mo?" Tanong ko kay Yoon Ji.
"Hindi ko rin alam pero parang ganon na nga. Malaki rin ang galit ni Yoon Gi kay Eun Ae dahil sa kasunduan na ipakasal silang dalawa." Sagot ni Yoon Ji.
"Ngunit walang magagawa si Yoon Gi doon." Sabi ko kay Yoonji at napaupo na lamang siya.
"Alam mo, ikaw ang nararapat na ipakasal sa aking kapatid." Nagulat ako sa sinabi niya sakin. Shuta!! Ako talaga? Wala bang ibang babaeng pu-pwede sa kanya na kayang makita siyang nakasimangot all the time? Baka pag ako, nasapak ko na si Yoongi.
BINABASA MO ANG
The Last Past Prince (Min Yoongi ff)
Fanfic"isa siyang prinsipe at ako, isang hamak na slapsoil lang. Pero wala akong intensyon na magustuhan siya dahil magiging emperor din siya but I'm not his empress." Pearl is a spoil brat itself but a good, sweet, simple, beautiful and friendly woman. D...