Kabanata 17

10.8K 207 5
                                    

Andaming tao ngayon sa cafeteria, at nakaramdam ako ng hilo kaya agad akong kumapit sa braso ni Bruce. Nag-alala ito at agad na tumingin sa akin.

“Ida, ayos ka lang?” Tanong niya, at tumango ako bilang sagot.

Hindi pare-parehas ang mga schedules namin, kaya kami ni Bruce at Wonwon ang magkakasama ngayon.

“Ayos lang ako,” sagot ko kay Bruce.

“Hello, Won! Gusto mo ng tea? Bibili ako,” sabi ng babaeng lumapit. Naka-braid ang buhok niyang itim na itim, at ngumiti siya kaya lumitaw ang asul na braces at malalim na dimples sa magkabilang pisngi. May malaking salamin din siya. Ang ganda niya.

Napatingin ako kay Wonwon nang magsalita ito.

“No, thanks,” sagot ni Wonwon. Hindi man lang niya sinulyapan ang babae. Narinig ko ang tawanan ng mga nakasaksi at nakita ko ang mga ngiti ng babae na unti-unting nawala. Bakit ganun si Wonwon? Hindi ko na ba siya kilala? Sa pagkakaalam ko, mabait siya.

“Pasensya na, Miss,” sabi ni Bruce, humihingi ng tawad sa babae.

Tumango ito at humarap na lang, naglakad papunta sa isang lamesa. Hindi na siya muling lumingon kay Wonwon. Nakita ko pa ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao habang naglalakad siya. Napansin ko na may bag siyang naiwan sa lamesa, kaya doon siya nakaupo mag-isa? Nakaramdam ako ng awa. Sa tingin ko, may gusto siya kay Wonwon.

Iginiya ako ni Bruce na umupo sa lamesa ni Wonwon. Napatingin ako sa babae kanina na naglalakad palabas ng cafeteria, may maroon na bag at pinupunasan ang mukha gamit ang panyo. Sigurado akong umiiyak siya.

Tiningnan ko si Wonwon, abala sa pagtingin sa phone niya.

“Bakit mo ginawa yun sa kanya?” tanong ko, may kunot sa noo.

Nag-angat siya ng tingin at kumunot din ang noo. “Sino?” Tanong niya, kunwari'y hindi alam ang tinutukoy ko.

Nangunot lalo ang noo ko sakanya. “Seriously?”

Nag-isip siya sandali bago nagsalita. “Ah, 'Yung nerd na si Saffora?” Aniya. Oh, kilala pala niya. Ang ganda ng pangalan, pareho sa ugali ni Saffora.

Tumango ako. “Bakit?” Tanong ko.

“Nako, ewan ko nga ba d'yan kay Wonwon. Hindi niya gusto si Saffora. E, ang ganda-ganda pa ng...—" pinutol ni Wonwon ang sinasabi ni Bruce.

”Seriously? Maganda? 'Yung 'nerdy' na 'yon, maganda?!” Salubong na kilay ni Wonwon.

Nagsalubong din ang kilay ko. Hindi ko na ba talaga siya kilala? Hindi siya ganyan.

“Bulag ka ba? Ang ganda-ganda ni Saffora, tol!” sabi ni Bruce na hindi makapaniwala sa inasal ng kaibigan at kinalampag pa ang lamesa. Natutok na ang mga mata ng mga tao sa amin. Hinawakan ko siya sa braso para kumalma siya. Naupo na rin siya.

Agree ako kay Bruce, maganda si Saffora. Kahit may braces at salamin siya, kitang-kita pa rin ang kanyang natural na kagandahan. Hindi ko maintindihan si Wonwon. “Hindi tama na maging rude ka sa kanya, kahit na hindi mo siya gusto,” sabi ko kay Wonwon.

Sinamaan siya ni Bruce ng tingin bago ito tumingin sa akin at tumango.

Tumayo na si Bruce para umorder, naiwan kaming dalawa ni Wonwon.

“Saan mo siya nakilala?” tanong ko kay Wonwon. Nag-angat siya ng tingin mula sa phone niya. ”Si Saffora,” dagdag ko para hindi na siya magtanong kung sino ang tinutukoy ko.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. ”Nakita ko siya two years ago, palagi siyang sumusunod sa akin,” sabi niya. “Ganyan pa rin ang itsura niya. Ugly, nerd.” Inirapan pa siya.

Falling for Mr. MontanierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon