"Lou, I'm sorry. I'm letting you go."
Literal na tila may malaking drum ang tumambol sa loob ng kanyang puso
"Hindi talaga siguro tayo para sa isa't-isa."
Hindi para sa isa't isa?
Akala ko ba ay ako na talaga?
Hindi alam ni Louise kung saan siya humugot ng lakas sa pagngiti.
'Hmm—"
Unti-unting nagiging malabo na ang tingin ni Louise sa lalake dahil sa mga luhang nangingilid sa kanyang mata ngunit nagiging malinaw sa kanya na ito na talaga ang huli.
"I wish you, happiness."
That hit her hard, hindi na ito ang lalakeng minahal niya.
Happiness?
The man she loves knew he is her happiness for three years.
Sa pagtalikod ng lalake sa kanya ay napahawak siya sa kanyang puso. Gusto niyang lumuhod at mag-makaawa ngunit ayaw makisama ng kanyang boses.
Please, isang sulyap mo lang, kakalimutan ko ang lahat.
Ngunit hindi nangyari ang piping pakiusap niya sa lalake hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin.
"Hi, Lou."
"Ate Bea?" Hindi napigilan ni Lou ang sarili na yakapin ang babae.
"Kumusta na ate?" Naging mabait sa kanya ang pamilya ng dating nobyo na si Brian. At hinding-hindi niya makakalimutan ito. Sinalakay siya ng kaunting guilt dahil hindi na siya nakapag-paalam sa mga ito bago siya nagpunta ng ibang bansa.
Matapos ang paghihiwalay nila ni Brian ay nagpasya siyang tanggapin ang alok ng kanyang ate Lourdes na pumunta sa Canada at magtrabaho doon. That was three years ago pero hindi niya maloloko ang sarili na masakit parin. She's never been in a relationship after that.
Tinapik-tapik ng babae ang balikat ni Lou. "Mabuti naman." Maluwang ang ngiti sa labi nito ng pakawalan siya.
"Hiyang mo ang ibang bansa. Gumanda ka lalo."
Natawa naman si Lou sa sinabi ng babae. "Ate naman."
Tumawa din ang babae. "Pa-humble."
"Mommmy, here's the flowers and candles."
May isang cute na bata ang tumakbo papunta kay ate Bea.
Biglang kumabog ang kanyang dibdib ng mapagmasdan ito. Sa kabila ng matatambok nitong mga pisngi ay hindi maikakaila na kamukha ito ng dating nobyo.
"Ate, nice seeing you again. I have to go." Natatarantang paalam niya kay ate Bea. Baka maabutan pa siya nito.
"Papa Brian will be happy."
Nanigas si Lou ng marinig ang pangalang halos lagpas tatlong taon na din niyang hindi narinig. Hearing his name made her realized how she's missing him so much.
Hindi mabilang ni Lou kung ilang beses siyang nagtangka na I-search ito sa fb pero nawalan siya ng lakas.
Baka hindi niya kayanin kapag makita niya itong maging masaya sa iba.
"Let's go, mommy."
"Ahmm, ate I have to—" bago pa makapagsalita si Bea ay dumating ang isang lalakeng may hawak na basket na may lamang mga prutas.
"Let's go hon." Humalik ang lalake sa noo ni Bea. "Baka ma-late tayo sa mass ng 2nd death anniversary ni Brian."
Death anniversary?
Bumilis ang tahip ng dibdib ni Lou.
Anong ibig sabihin ni kuya Mark?"
Naguguluhan na sumulyap si Lou kay Bea. "Death anniversary?"
"Lou, ikaw ba yan?"
"Ate?" hindi na niya pinansin ang lalake. Hindi na niya mahawakan ng maayos ang braso ni Bea dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay.
"No, please Lord."
"No, it can't be.' Mula sa braso ni Bea ay napahawak si Lou sa dibdib.
"Ate, sabihin mong hindi totoo ang naiisip ko please."
"Lou—"
Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ni Lou.
"Hindi pwe-de." Hindi na mapigilan ni Lou ang mapa-hagulgol. Sinuntok suntok niya ang dibdib. "Ate, tell me I'm wrong"
How she wished that was the case, but base on Bea's tears she knew she isn't.
Napasalampak na lamang siya habang humagagulgol.
Akala ni Lou ubos na ang luha niya ngunit hindi pa pala. Masagana parin itong umaagos sa magkabila niyang pisngi habang hawak ang pangalan ni Brian sa lapida nito.
"Baby, bakit hindi mo sinabi? Sana kasama mo ako hanggang sa huling sandali."
He died of brain tumor, kaya pala lagi itong nagrereklamo sa kanya dati na laging sumasakit ang ulo.
Nakipaghiwalay sa kanya si Brian ng lumabas ang resulta ng check-up nito. Ayon kay ate Bea ay ayaw ni Brian na mahirapan siya, dahil mahal na mahal siya nito kaya ipinasya ng lalake na ilihim sa kanya ang totoo.
"Don't worry baby, you will never be alone anymore."
Binuksan ni Lou ang hawak na botelya at inilabas doon ang hindi na niya mabilang na puting gamot. Inilagay niya ito sa bibig at pinilit na lunukin ng sunod-sunod."
Napangiti si Lou ng maramdaman ang unti-unting pagbigat ng mga mata.
"I'm coming baby, wait for me."
Tatlong nakaputing babae ang bumungad sa pagmulat ni Lou sa mga mata. "Tawagin mo si Doctor Lim, sabihin mo gising na ang pasyente." Utos nito sa isa sa kasama.
Napakunot siya ng noo "What anong pasyen—"
Bago pa makapag-isip si Lou kung anong nangyayari ay pumasok ang isang nakaputing lalake. Walang bahid na ngiti sa labi at salubong ang kilay na lumapit ito sa kanya.
"Follow my finger" inilipat-lipat nito sa iba't ibang direksyon ang daliri na sinundan niya ng tingin.
Maya-maya pa ay padarag nitong tinanggal ang suot na stethoscope at inilapit sa kanyang dibdib.
"Call her family, she's okay."
Kahit na singkit ang lalake ay kitang-kita ni Lou ang masamang sulyap nito bago lumabas.
Napamaang na lamang siya. "Anong problema nito sa kanya?"
After remembering what happened ay bumalik ang sakit.
Paano pa siya magpapatuloy mabuhay? Brian is gone.
Kung bakit pati ang langit ay ayaw siyang makasama si Brian. After overdosing with sleeping pills, nakita siya ng care taker ng sementeryo. Kaya naitakbo siya agad sa hospital.
She was in coma for 2 months and they said it's a miracle dahil nagising siya.
But for her, it wasn't.
It was a cursed.
A/N
Kumusta kayo guys?
January 15, 2021, I have so many blessings to be thankful for.
2020 is not a good year, pero babawi tayo ngayon.
Malamang buhay pa si Author, don't worry hahaha
I'm back, hoping those experiences last 2020 will help me write with inspiration and more deeper.
Wrote a part of this story when I was at the Hospital.
Pasensiya na muna sa Miss High Meets Miss Mighty, mahina ang kalaban.
Ingat tayo guys, stay healthy and beautiful.
Saranghae.
Shy Seven
BINABASA MO ANG
Redemption
General FictionWhen Lou thought she found her happiness, her world started to crumble. "Please, don't save me." She looked up in the sky and pleaded. Then she smiled at the tomb in front of her. Continue living without Brian is a cursed. Lou breathed deeply befor...