Redemption-4

721 44 6
                                    

"Emong," pasigaw na tawag ni nay Lydia sa asawang abala sa pag-aararo sa bukid.

Pansamantala itong tumigil. "Hooo," itinali nito ang kalabaw at lumapit sa kubo kung nasaan sila.

"Lydia ikaw ba yan?"

"Aba'y sino pa ba sa akala mo?" Nakapamewang na sagot ni nay Lydia dito.

"Akala ko eh, Miss Universe, gumanda ka kase mahal."

Humagikgik naman ang matanda at pabebeng hinampas nito ang asawa. Hindi tuloy mapigilan ni Lou ang matawa.

"Wala parin kupas, tay." Aniya dito.

"Lulu?"

Noong bata pa siya ay nakasanayan na niyang Lulu ang tawag sa kanya nit ay Emong. Lumapit siya sa matanda para magmano.

Maagap nitong inilayo ang mga kamay. "Naku nak, maputek ang kamay ko." Inamoy pa nito ang kilikili. "Nakakahiya sa iyo, amoy pawis pa ako."

Kung anak ang turing sa kanya ni nay Lydia ay ganun din ito.

Hindi niya pinakinggan ang matandang lalake. Kinuha niya parin ang kamay nito para magmano.

"Sino naman itong binatang mas lamang ng isang paligo sa akin? Boypren mo nak?"

Namula si Lou. "Hindi ho, tay." 

Ano bang sasabihin niya? Kaibigan? Eh hindi naman.

"Magandang umaga ho, Raphael ho." Hindi nito alam kung makikipag-kamay ba kay tay Emong oh magmamano. Pinili nito ang huli.

"Halina muna kayo sa bahay ng makapagpahinga. Nagpasabe ka man lang sana mahal ng nakapag-handa ako ng mas maaga." Baling ng matandang lalake sa asawa nito.

"Hayaan mo na mahal, ako na ang bahala." Malambing na kumapit si nay Lydia sa braso ng asawa.

"Mga anak, pasensiya na kayo sa bahay. Abala ako sa bukid, kaya hindi na ako nakakapag linis."

Lou bit her lips, she felt a sudden guilt. Kung sana lang inayos niya ng mas maaga ang buhay ay hindi napabayaan ni nay Lydia si tatay Emong.

"Pasensiya na po kayo, tay." All she could do was to ask for forgiveness.

"Pasensiya saan anak?" Lumapit sit ay Emong sa kanya. "Alam mong hindi ka na iba sa amin anak. Ako ang dapat humingi ng pasensiya. Ang dami mong naitulong sa amin ng nanay Lydia mo. Kung hindi dahil sayo ay wala akong bukid na sinasaka at bahay na tinitirahan ngayon. Huwag kung ano ang iniisip mo diyan at magagalit ako."

"Tama na ang drama, nak tulungan mo akong magluto." Ani nay Lydia sa kanya.

"Doc, stay put ka muna diyan. Kami na ang bahala. Pagod ka sa pagmamaneho."

"No, hindi ho. Tutulong ho ako."

"Aba, mapilit si doc mahal. Pag-ihawin natin ng isda." Tumatawang saad ni nay Lydia

Mabuti nalang at bago sila umuwi ay naisipan na ni nay Lydia na dumaan sa palengke kaya hindi na nila problema ang lulutuin. Bumili na din sila ng bagong mga bedsheets at kulambo para daw sa kanila ni doc.

Nagising si Lou dahil sa tawanan sa labas. Humihikab na inabot niya ang cellphone sa mesa sa gilid ng kanyang kama.

7:00 am. She never slept this well since she woke up from coma. Walang nagbago, it was comfortable and warm since then.

Naglaan talaga ng kwarto si tay Emong at nay Lydia para sa kanila ng kanyang ate Lourdes ng maipatayo ang bahay.

It is a four-bedroom bungalow house. Isa sa kanila ni Ate Lourdes, guest room where doctor Raphael was staying and master bedroom and stock room. Hindi na nagka-anak ang mga ito dahil may problema sa matris si nay Lydia.

RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon