Redemption-2

967 46 2
                                    

"Ouch!" naalog ata ang mundo ni Lou sa malakas na pagtama ng bola sa kanyang ulo.

"Shit, I'm sorry."

Hindi pinansin ni Lou ang papalapit. Tinatamad siyang makipagtalo kung sino man ito.

"I didn't mean to—"

Napahawak siya sa noo ng muli siyang tumama sa isang matigas na bagay. "It's okay, can you please leave." Walang buhay niyang saad.

Ngunit hindi ata nakakaintindi ang taong nasa harap niya.

Inis siyang nag-angat ng tingin. "Ano ba."

Only to found out that the man in front of her was her doctor. He is not wearing his usual white robe instead a fitted white sando shirt paired with black jersey short and nike latest basketball shoes.

D*mn, ayaw niyang magkasala pero agaw pansin ang abs nito. "Kaya pala matigas nung tumama siya sa dibdib nito."

And d*mn, never in her wildest thought that a man having a sleeve half wing tattoo could be deadly hot.

Napamura si Lou sa isip, what was she thinking?

Ipinasya niyang umatras nalang, halata din namang ayaw sa kanya ng doctor. She doesn't know why. And she's not interested asking.

Walang imik siyang tumalikod at naglakad palayo. Para lamang magulat ng may humawak sa kanyang mga braso. "What are you doing?" nagtatakang tanong niya sa doctor.

Ipinaharap siya nito at gamit ang isang kamay ay hinawi nito ang kanyang bangs.

He was covered in sweat but still, how can he smell this good?

Dumilim ang anyo nito, "d*mn." Marahan siyang hinila at iginiya sa sasakyan nito.

Lou doesn't know what was happening, tila may sariling isip ang katawan niyang hindi tumutol habang kinakabit nito ang seatbealt sa kanya maging ng umandar na ang sasakyan nito.

Hindi namalayan ni Lou na tumigil na sila. He unfastened her seat belt bago ito bumaba, binuksan nito ang pinto sa tapat niya. Walang imik na sumunod siya sa doctor.

"Wait here."

Nang maka-upo ay inilibot ni Lou ang paningin. Everything inside is a combination of white and grey. From the curtains down to the mat on the floor. Sa kanang bahagi ay may maluwang na patio at swimming pool.

Napapitlag siya may malamig na bagay ang dumapo sa kanyang noo. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang lalake sa kanya.

"Aww," bahagya siyang napalayo ng humapdi ang nilalagay nito sa noo niya.

"Wait, just a little bit more."

Nawala ang hapdi sa salitan nitong pag-ihip at pagdampi ng bulak.

"There."

Namayani ang katahimikan, ngayon lang siya dinapuan ng hiya.

Lou, think.

"Tha—nk you." Tumikhim siya para tanggalin ang bara sa lalamunan.

"Juice or water?"

"Wa—ter." Gustong murahin ni Lou ang sarili when she stammered again.

Bago nito maiabot ang baso ng tubig sa kanya ay nag-ring ang cellphone ng lalake.

"Hello?"

Lou knew something was up, when his face changed into worry.

"Wait, I'm coming."

Iniabot nito sa kanya ang baso. Pagbalik ng lalake ay naka tshirt na ito ng itim at naka tattered jeans.

RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon