"Doctor who? Yung singkit na gwapo?"
Isa pa tong kapatid niya, hindi din siya tinitigilang tuksuhin.
"Ate." Saway niya dito. Baka maya-maya ay dumating pa ito.
"So how does it feel having a handsome doctor housemate?"
"Wala." Ano bang sasabihin niya? Bihira naman silang mag-usap. Just his mere presence made her nervous kaya kapag narinig na niya ang sasakyan nito ay tumatakbo na siya papasok sa kanyang kwarto.
Her sister rolled her eyes. "Ang boring mo, promise."
"Hi, tita pangit." Singit ng pamangkin niya sa screen.
Natawa naman ang kanyang ate Lourdes. Even her niece is making fun of her. Where's the justice in that?
"Hindi saken nagmana to. Ang bait ko kaya." Natatawang saad ng ate niya.
"Hi, pangit ka din. Magkamukha kaya tayo." Pabalik na asar niyasa pamangkin.
Dumila lang ito sa kanya kaya gumanti din siya.
"So, I was planning ate na maghanap na muna ng work."
Napanganga ang kapatid. "What?" Gulat na saad nito.
"Oa," aniya sa reaksiyon ng kapatid.
"You sure? Di ka pa ba babalik dito?"
"Dito muna ako ate."
"Well, if that's what you want." Niliitan siya ng mata ng kapatid. "Seems like you found the reason to stay."
"Tatapusin ko muna yung 3rd death anniversary ni Brian."
Napabuga ng hangin ang ate Lourdes niya. "So work, you said?" pang-iiba nito sa usapan.
"Yeah, sayang naman kasi."
"Tungek, sayang talaga. Hala bukas na bukas din maghanap ka na." tungek is their word for t*nga. Pinalitan lang nila dahil ayaw ni nay Lydia na nagmumura sila.
She's a business administration graduate. She work's in a finance company before everything happened.
"Sa company ka ni tito mag-apply." Suhestiyon ng kapatid niya.
Umiiling siya. "Never, I don't want people think na kaya ako nakapasok, dahil kamag-anak natin ang may-ari. You know me ate."
"Then what if you open our private resort in public? Ako na bahala kay dad. That way hindi matengga at the same time magkakaroon pa tayo ng income."
Namana ito ng dad nila sa mga magulang nito. Their dad is a bit sentimental, kaya hindi nila ino-open sa public ang La Constancia. Baka daw masira ito.
Napatango-tango siya. "Pwede, ate. I'll do an ocular inspection tomorrow. Let's see what can I do. Then I'll discuss it to you."
Dahil busy siya sa pagpla-plano. It made her excited kaya hindi niya namalayan ang pagdating ni Raphael.
Nag-angat siya ng mga mata ng mapansing may nakatayo sa kanyang gilid.
Nakasandal ito sa pinto, his hands on his pockets.
Nata-tarantang naibaba niya ang ballpen. "Kanina ka pa?"
He just shrugged his shoulders.
Tatayo na sana siya para pumasok sa kanyang kwarto ng magsalita ito. "Wanna eat outside?"
"Ha?"
"I'm famished."
Ngayon lang niya lang napagmasdan doctor. Magulo ang buhok nito at nanlalalim ang mga mata. Halatang puyat at pagod.
BINABASA MO ANG
Redemption
General FictionWhen Lou thought she found her happiness, her world started to crumble. "Please, don't save me." She looked up in the sky and pleaded. Then she smiled at the tomb in front of her. Continue living without Brian is a cursed. Lou breathed deeply befor...