NANG matapos na si Keily na mag ayos ng kanyang sarili ay naupo muna sya sa kanyang kama. Hindi pa naman sya tinatawag ng kanyang ina kaya makakapag relax pa sya ng kaunti.
Ilang minuto ang lumipas may kumatok na sa pinto ng kwarto nya at sigurado sya na mommy nya yun.
"Anak, lumabas kana. Nandyan na si Mr. Lewis. Dumeretso ka nalang sa dinning area. We will wait you there, please wag kang matagal anak." Sabi ng kanyang ina bago nya narinig ang yabag nito pababa ng hagdan. She sigh and looked at herself in the mirror, she sweetly smiled before she went out to her room.
Habang pababa sya ng hagdan hindi nya maiwasang hindi isipin kung ano ang mukha ng Mr. Lewis na iyon. She never meet him before kaya clueless sya. Nang nasa tapat na sya ng pinto ng dinning area huminga muna sya ng malalim bago nya pinihit ang door knob. Pag pasok nya roon, ang tanging naka upo lamang ay ang kanyang magulang kaya napakunot noo sya.
"Mom? Dad? Asan yung Mr. Lewis na sinasabi nyo?" Tanong nya habang nag lalakad sya papalapit sa dinning table.
"May kinuha lang sya sa kotse nya--"
"There he is!" Putol ng daddy nya sa sinasabi ng kanyang mommy. Nakatalikod sya mula sa pinto kaya hindi pa nya ito nakikita.
"I'm sorry i just forgot my phone in my car." Rinig nyang sabi nito mula sa kanyang likuran. Bigla syang nakaramdam ng kakaibang kaba dahil pamilyar ang boses na iyon.
"It's okay Mr. Lewis, anyway she's my daughter, Keily Luna." Sabi ng kanyang ama kaya hinarap nya ito. Halos mapugto ang kanyang hininga at halos malaglag ang kanyang panga ng makita ang mukha ni Ace na nakatingin rin sa kanya.
"You!?" Sabay nilang sabi sa isa't isa.
"You both know each other?" Tanong ng kanyang ina agad nya naman itong hinarap saka umiling.
"N-no mom. Nabigla lang ako. I thought he's old." Pag dadahilan nya saka muling tumingin kay Ace na nakatingin lang sa kanya.
"She's right. I don't know her. Nabigla lang din ako, i thought she's a married woman." Sabi naman ni Ace habang nakatingin parin sa kanya ng diretso. Ilang sandali silang natahimik pero agad din pinutol iyon gamit ang pag tikhim ng kanyang ama.
"Let's eat." Sabi nito kaya agad syang naupo sa silya nya. "You can sit beside her Mr. Lewis, just feel at home." Dagdag pa nito kaya para syang nabuhusan ng balde baldeng malamig na tubig. Naupo si Ace sa kanyang tabi kaya napaayos sya ng upo.
"Uhm, anyway anak he's Mr. Lewis, anak sya ng taong tumulong samin noon." Pag papakilala sa kanya ng kanyang ina rito, tumango sya bilang sagot.
"Thank you for helping my parents Mr. Lewis." Pag papasalamat nya rito saka sya ngumiti, agad nyang ibinalik ang kanyang tingin sa kanyang magulang dahil nahihiya sya rito dahil para sa kanya hindi naging maganda at maayos ang kanilang unang pag kikita.
"It's fine. My mom and dad loves to help people who badly need our help." Sagot naman nito kaya tumango na lamang sya.
Tahimik syang kumuha ng kanyang pagkain at ganoon rin ang kanyang mga magulang. Kahit gustong gusto nya ng umalis sa hapag kainan ay hindi nya magawa dahil nahihiya sya sa kanyang mga magulang.
"How's your mom and dad Mr. Lewis?" Tanong ng kanyang ama kay Ace habang kumakain sila.
"Okay naman sila. Anyway, just call me Ace nalang po." Sabi nito kaya agad nyang pinigilan ang kanyang tawa dahil may pagka accent parin ang pananalita nito ng tagalog.
"Ohh sure. You should call us tito and tita then." Nakangiting sagot naman ng kanyang ama.
"Ahh, Ace. I just wanted to ask you kung single ka ba by now?" Tanong ng kanyang ina kaya halos mapaubo sya, agad naman syang iniabutan ng tubig ni Ace. Agad nya iyong tinanggap saka ininom.
BINABASA MO ANG
HIDDEN AFFAIR (On-Going)
RandomKeily Luna is fooled by her ex fiancée, she did everything to save their relationship pero lahat ng iyon ay parang nawalan lang ng saysay dahil niloko parin sya nito. Nakita nya ng harapan ang panloloko sa kanya nito kaya wala ng ibang sasakit pa pa...