Chapter 1

85 2 0
                                    

1 week later...

NASA bar ngayon si Keily, nag papakalango sa alak. Hindi parin kasi nya lubos maisip kung paano nya hinayaan ang kanyang sariling mag pakatanga kay Drake.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung mangyari iyon at sa isang linggo na iyon ay tuloy tuloy lamang sya sa pag papakalango ng alak, ito lamang ang natatanging alam nyang makakapag pakalimot sa masakit na pang yayaring iyon.

Habang tulala syang umiinom, narinig nyang tumunog ang kanyang telepono, kinuha nya iyon sa kanyang slingbag saka nya ito sinagot.

[Hello Keily, I can't come. May dinner kami nila mommy ngayon.] Sabi ng kanyang best friend na si Aira kaya napatango sya na parang nasa harapan lamang nya iyon. [But I'll try na tumakas--]

"Di na kailangan Aira. Sa buong isang linggo ikaw ang kasama ko dito. You have to spend time with your parents too. Meron pa namang bukas eh. I can manage and i can take care of myself. I'll just text or call you if something's happened." Pigil nya rito. She heard her sigh.

[Okay okay. Just take care of yourself and don't drink too much. I'll hang up na tinatawag na kasi ako nila mommy.] Paalam nito saka namatay ang tawag. Ibinalik nya ang kanyang telepono sa loob ng kanyang sling bag saka nag patuloy sa pag inom.

Ilang oras na rin ang nakalipas at ilang bote na rin ang naitumba nya pero hindi parin sya gaanong natatamaan kaya natawa nalang sya sa kanyang sarili.

"Ganto ba talaga pag nasasaktan ka? Hindi mo mararamdamang lasing ka?" Natatawang tanong nya sa kanyang sarili.

Tumayo sya ng makaramdam sya ng tawag ng kalikasan. Habang tinutungo nya ang cr ay doon lamang nya naramdaman ang pagkahilo pero hindi nya iyon pinansin bagkus ay nag tuloy tuloy lamang sya sa pag lalakad kahit na gumigewang gewang na sya.

Nang marating nya ang cr ay agad syang pumasok sa isang cubicle, pagtapos nya ay agad rin syang lumabas. Humarap sya sa salamin saka pinag masdan ang kanyang mukha.

"Maganda ka naman Keily ah? Bat nagawa ka pading lokohin nung pesteng lalaking yon?" Tanong nya sa kanyang repleksyon. Mabuti nalamang at walang ibang taong naroroon kundi iisipin nilang nababaliw na sya.

Lumabas sya ng cr ng pagewang gewang. Unti unti nya ng nararamdaman ang pagkalasing ng mga oras na iyon hanggang sa ma out balance sya at natumba. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at hinintay na maramdaman ang pagbagsak nya sa sahig pero ilang sandali na ang lumipas ay hindi nya naramdaman na tumama sya sa sahig kung kayat unti unti nyang minulat ang kanyang mga mata at nagulat sya ng makita ang napaka amo at napaka gwapong mukha ng isang lalaki.

"You're drunk." Sabi nito saka sya itinayo.

"No I'm not." Sagot nya saka inalis ang pag kakahawak nito sa kanya pero muntik lamang syang bumagsak ulit mabuti nalamang at nahawakan sya ng mabilis nito.

"You are." Sabi nito saka hinapit sya sa bewang. "What are you doing here Luna?" Tanong nito sa kanya kaya agad nanlaki ang mga mata nya dahil alam nito ang ikalawang pangalan nya.

"How did you know my second name?" Tanong nya rito. Ngumuso ito sa kanyang dibdib kaya napatingin rin sya roon. Doon nya lamang napag tanto na suot nya ang necklace na ipinagawa nya noon.

"Because of the written name on your necklace. I don't even know your name, I just tried if that was your name and I was not mistaken because that is your name. So what does a beautiful woman like you, do in a chaotic place like this?" Tanong nito sa kanya.

"because I want to forget and I want to get drunk so I can not feel the pain caused by my ex fiancée." Sagot naman ni Keily sa kanya. Napatango naman ito sa kanya.

HIDDEN AFFAIR (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon