Chapter 8: Professor

3.3K 100 29
                                    

 Chapter 8: Professor

Tuluyan nang binawian ng buhay si Chuck Evans. Sa maiksing panahon, naging totoo ang damdamin niya kay Rikku ngunit huli na para aminin ito sa kaniya.

“Hangal ka Evans. Isa kang malaking hangal!” sigaw ni Rikku sa nakahandusay na walang buhay na si Chuck. Nagkalat ang bula sa bibig nito at natapong juice sa carpet. Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya matapos niyang marinig ang huling sinabi ni Chuck. Paluhod siyang lumapit sa katawan ni Chuck at nanginginig ang mga kamay niyang humaplos sa mata nito upang ipikit.

“Wala ka talagang kwenta Evans.” niyugyog niya ang walang buhay na si Chuck. Marahan siyang tumayo at niyakap muli ang Thesis Book na yun. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya at nagtungo sa rooftop. Hinimas niya ang tiyan niya habang marahang naglalakad sa kadulu-duluhang bahagi ng konkretong daan. Mula sa 24th floor na kinatatayuan niya ay napasulyap siya sa baba at tila makukulay na butil ang mga naglipanang sasakyan. Napatingala siya sa kulay dilaw na kalangitan at ikinalat ang mga braso. Damang-dama niya ang ihip ng sariwang hangin. 

“Lahat na kinuha sa’ken, anak ko.” muli ay itiniklop niya ang mga braso at niyakap ang libro. Napangiti siya at tila nakikipag-usap habang hinihimas niya ulit ang tiyan niya. Malakas ang hangin sa labas, tinatangay nito ang mahaba niyang buhok at floral na bestida.

“Iniwan na nila tayo, anak ko. Hindi mo na rin makikita baby ang Daddy Shone mo, pinatay siya! Pinatay niya ang pinakamamahal ko! Kahit nalaman ko pa ang relasyon ko sa kaniya ay hindi ako nagdalawang-isip na barilin siya! Nararapat lang yun sa kaniya! Kriminal siya!” nanggilid muli ang luha niya. Sariwang-sariwa pa sa kaniya ang sakit ng pagkamatay ni Shone. Hinding-hindi pa rin niya matannggap ang kinahinatnan nito.

“Sayang anak ko, hindi mo man lang nakilala si Mr.Alfonso na kahit kelan hindi ko rin nakita o nakasama. Pangalan lang niya ang tanging alam ko at wala akong magandang alaala kasama siya. Namuhay lang ako paliwanag ng Mama ko, nang dahil sa propesyon niya ay nagawa niya kaming abandunahin! Pero akala ko hanggang dun lang matatapos ang kasamaan niya! Inakala ng lahat ay pinatay siya ng serial killer 10 years ago pero isang malaking kasinungalingan lang yun! Malinaw na sa akin ang lahat dahil sa sinabi ni Wesley!” tumulo ang luha sa mga mata niya, basang-basa na ang pisngi niya. Sobrang bigat na ng nararamdaman niya mula pa noong pagkabata.

Nawalan na ng direksyon ang buhay niya mula nang bawian ng buhay ang pinakamamahal niyang Mama. Ito na lamang ang natitira niyang pamilya at mahirap sa kaniyang ipagdalang-tao ang baby niya gayung wala na rin si Shone.

Naunmbalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Wesley nang itutok nito ang baril sa sentido niya. “Tama ang lahat ng sinabi mo! Sa pagtutok mo sa akin ng armas na to, lalo mo lang mas pinaglinaw pa ang kutob ko sayo Rikku!”. Bahagyang gumuhit ang ngiti sa pisngi niya.

Thesis Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon