Chapter 2: Delacroix

6.9K 155 33
                                    

Chapter 2: Delacroix

CHUCK'S POV

Tuesday. Hindi talaga 'ko makapaniwala na kahapon lang pinag-usapan pa naming magkakagroup sa Thesis I ang tungkol sa kontrobersyal na Thesis Book 10 years ago. At ngayong umaga ng Martes natagpuan ang bangkay ng kaibigan naming HRM na si Swaz at IT classmate and ka-team na si Aileen. Kung bakit ba kasi, nagpumilit pa si Aileen na hanapin ang Thesis (Student Copy) na yun sa abandoned building. Malas talaga ang book na yun. Tatlo ang copy ng book na pinapabookbind ng mga proponents ng team after defense: (1) ang library copy na sinunog noon, (2) student copy na natagpuan ngayon sa ibabaw ng bangkay ni Aileen at (3) ay sa IT Department. Swerte mang isipin dahil hindi ako sumama sa kanila sa halip dumiretso ako sa ospital dahil discharge kahapon ni Mama. Nakita ko pa nga ang Mama ni Rikku na lumabas sa Cardiology Room, babatiin ko pa sana kaya lang nagmamadali na kaming umuwe. Pansamantalang na-suspend ang klase ngayon dahil sa imbestigasyon. Punong-puno ang field ng mga estudyante a t kapulisan. Lahat kami nalulungkot sa nangyare. Sino kaya ang nasa likod ng pagpatay na ito? Masyadong brutal. Nakaririmarim. Bakit natagpuan ang librong yun sa crime scene? Anong motibo niya?

"Kung hindi mo tinuro kung nasa'n ang librong yun, hindi mangyayari sa kanilang dalawa 'to, Rikku!" galit na sabi ni Zeus.

"Anong malay ko dun? Sinabi ko lang ang nalalaman 'ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare, bakit ko naman gugustuhing mapahamak sila?!" depensa ni Rikku.

"What a crap! Referring to that stupid book of ten years ago? Guys, ano ba kayo? Hindi dahil nakita yung book na yun sa crime scene that doesn't make sense para i-link sa urban legend na yun! So nonsensical!" taas kilay na tanong ni Keiko. Absent siya kahapon, isa pa naming ka-group sa Thesis I. Sa totoo lang, sang-ayon din ako sa kaniya. Bakit ako magpapaniwala sa legend na yun na kesyo daw baka maulit muli ang serial killings tulad ng last ten years. Kalokohan!

"Anong malay niyo? Baka dahil sa book na yun, maulit muli ang urban legend." seryosong sagot ni Wesley. Isa pa 'to. Natahimik kami, paanong naiisip pa niya yun? Kamamatay lang nila.

"Hindi magandang biro yan, bro." sabi ko.

"Malay mo Chuck, ikaw na pala ang susunod." umakbay si Shone na nakangiti pa sa'kin. Absent din siya kahapon dahil sumali siya sa game. Tinext pa niya 'ko kahapon, nakapasok daw sila.

"Gago. Nagagawa mo pa talagang magbiro." sabi ko. Inialis ko ang braso niya sa'kin. Kumpleto kaming magkakagrupo ngayon na nakikiusisa sa labas ng abandoned building. Ang dapat na 7 proponents ay 6 na lang ngayon. Rest in peace sa tumayong leader ng team-Aileen. Mahuli na sana ang hayop na killer na yun. Wala siyang kaluluwa!

"Saka pwede ba, tigilan niyo na nga si Rikku. Kung makabintang kayo kulang na lang pagdiinan niyong may kinalaman siya sa nangyare." nagseryosong tono ni Shone. Nilapitan niya si Rikku.

"Nandito na'ko, okay?" sabi ni Shone na inakbayan si Rikku.Hindi ko alam kung ano na estado nila.

Lutang pa rin ang utak ko sa mga nangyari. One week na lang submission na ng proposed title, to be specific, sa Monday na and we need at least three titles in which isa lang naman ang ise-select ng IT adviser namin based on how we defend the best. As the assistant leader, ako ang nag-take over kay Aileen.

Biglang nagflashback saken ang huling eksena kahapon sa meeting ng buong team. Unang nagpaalam na umalis si Rikku going fastfood, sunod si Wesley dahil pupuntahan daw niya yung pinopormahan niyang volleyball star na si Kesha, si Shone naman nagphonecall at sinabing may try out daw at panghuli ako going hospital. Tatlo na lang silang natira nun, si Swaz, Aileen at Zeus. Ang alam ko hindi palagay ang loob ni Zeus kay Swaz dahil pakiramdam ko karibal ang tingin niya dito. Bakit ko ba naiisip 'to? Bakit sa isip ko parang pinagbibintangan ko na may kinalaman si Zeus sa pagkamatay ni Swaz? Kung sa bagay, kung siya nga yun bakit naman din niya papatayin si Aileen kung gusto niya ito? Bullshit lang. Bakit ko ba naiisip 'to?

Thesis Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon