Chapter 6: Novello
"Lumayo ka sa kaniya o pareho ko kayong papuputukan, Evans!" Ipinutok ni Rikku ang baril sa kinatatayuan namin ni Wesley. Bullshit! Muntik na!
"Chuck!" sigaw ni Ayame na napatakbo papunta saken.
"Ibaba mo yan! Nababaliw ka na Rikku!" sigaw ko.
"Hinahanap mo yung baril mo di ba? Pagkakataon nga naman nagkapalit pa kayo ng bag!" Tutok na tutok ang baril sa muka ni Wesley. Kung ganun kay Wesley ang baril na yun! Hindi lang pala si Shone ang may dala ng baril.
"Umpisa palang plinano mo na ang lahat! Hindi man tayo nakakarating pa sa beachhouse niyo! Plano mo pa rin talagang patayin kaming lahat!" galit na galit na sigaw ni Rikku.
"Sandale, ano bang sinasabi mo? Dinala ko lang yan bilang proteksyon! Ibaba mo yan Rikku!" natetensyong pakiusap ni Wesley.
"Naligpit mo na si Shone ayon sa sinusunod mong pattern at ako na ang isusunod mo tama ba?! Nastasia Novello-gunshot!" Papalapit sya ng papalapit si Rikku sa kinatatayuan ni Wesley. Kung ganun, kung hindi si Shone ang pinaghinalaan ko sa dalang baril niya ay si Wesley nga ang posibleng killer!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Ibaba mo yan?! Paano mo ako napag-iisipan ng ganiyan. Magkakasama tayo!" Nakataas ang dalawang kamay ni Wesley habang tutok na tutok pa rin ang baril.
"Sa labas pa lang pinatay mo na si Shone! Hayop ka!" ma-awtoridad niyang paratang kay Wesley.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo?" sigaw ni Wesley.
"Bukod sa dala mong baril! Sapat na na naghubad ka ng kapoteng basa at ipinantakip mo sa ulo ni Kesha. Mangyayari lang yun kung lumabas ka! Basang-basa sa ulan ang bangkay ni Shone! Ikaw lang ang posibleng gumawa nun!" natigilan si Rikku. Tama siya, yun din ang kahina-hinalang napansin ko pero nabaling ang atensyon ko sa tama ng saksak sa binti ni Wesley na ginawa daw ng killer.
"At nung nakita ka ni Chuck malapit sa bintana, kagagaling mo lang talaga sa labas! Nung muntik ka na niyang hamapasin ng kahoy, nagpakilala kang ikaw yan at hiniwa mo ang pantalon mong puno ng dugo para palabasing ginawa ng killer yun sayo! Hindi lahat ng dugo na yan ay sayo! Mahusay ka dun, nakuha mo ang loob niya!"
"Nababaliw ka na ba? Sinasabi mo bang ako rin ang pumatay sa girlfriend ko?"
"Wala akong pakealam sa kaniya! Dahil lahat naman talaga kami ay papatayin mo!"
"Look. Bitawan mo na yan. Please. Palalampasin ko ang pambibintang mo pero ayokong mauwi sa sakitan to!" Paika-ikang nilapitan ni Wesley si Rikku at pilit na inagaw yung baril. Hanggang sa naagaw na nga ito!
"Ayame! Tumakas na tayo!" sigaw ko kay Ayame.
"Bitawan mo'ko! Mamatay tao ka!!" sigaw ni Rikku. Nagtatalo ang mga braso nila paitaas. Kanina hindi siya makalakad dahil may saksak daw siya pero nagawa niyang sipain ang tagiliran ni Rikku. Isa nga lang 'tong palabas! Wala siyang saksak!
"Eh ano kung ako nga mismo ang pumatay kay Kesha at sa mahal mo?" Nakasakal na ngayon si Wesley sa likuran ni Rikku. Naagaw niya ang baril!
"Bitawan mo siya pare! Itigil mo na'to!" Sumugod ako pero tinutukan niya ko ng baril kaya napahinto ako.
"Wag kang makialam dito pare! " pinandilatan ako ni Wesley at pinaputukan! Bullshit! Tinamaan ako sa binti ko ng dalawang beses!

BINABASA MO ANG
Thesis Book II
Mystery / ThrillerThe menacing defense from the foreboding Panel of Death.