Chapter 3: Gates
Dumating na ang mga pulis. Inilabas na ang bangkay ni Keiko mula sa cubicle. Nakakatakot ang itsura niya. Nasa dibdib ko pa rin ang kaba. Hindi pa natatapos ang kaso nila Swaz at Aileen, ngayon ay eto na naman. Kinutuban ako sa nakita ko kahapon. Kung ganun si Keiko ang babaeng kasama ni Shone sa AVR at ngayong umaga ay natagpuan siyang patay. Hindi kaya may kinalaman si Shone? Bullshit lang! Nagsimula na naman akong mang-akusa.
Napansin kong bukas ang daylight sa lady’s room. Nagka-ilaw na! Walang sunog. False alarm lang. Umakyat ulit ako sa library baka sakali ma-retrieve pa yung videofile pero alam kong malabo na dahil ako mismo ang nag-on ng deepfreeze. Burado na yun tsak.
“Nakakatakot yung ginawang pagpatay kay Ms. Maryknoll, ang brutal. Natatakot na tuloy ako sa university na’to. Di ba classmate mo siya Mr.Evans?” tanong ng librarian nang mapadaan ako sa harap niya. Tumango ako.
“Hindi nga ho ako makapaniwala na mangyayari yun sa kaniya.“ sabi ko.
“Everything’s weird. Nagfalse alarm kanina then nagbrown-out. May ilaw na sa baba ah, bakit tayo lang walang power? Paki-check naman Mr.Evans.” utos ni Mrs.Robinson. Oo nga, dito lang ang wala. Hinanap ko yung fusebox. Bakit nakababa? Hindi kaya may nagbaba nito kaninang nag-firealarm? Kung ganun, nandito lang kaya kanina ang killer at natunugan niyang ilalantad ang video ng witness? Pero bakit sa akin gustong ibigay ng witness? Bakit hindi na lang siya magsumite nito sa pulis?
May kinalaman kaya ito sa pagkamatay ni Keiko? Naguguluhan na’ko. Anong motibo ng pagpatay sa kaniya?
Naalala kong may login form na sina-sign ang mga estudyante sa tuwing gagamit sila ng PC dito sa library. Chineck ko yung papel na naglogin sa PC Unit 7. Siya ang unang nag-time out ngayong umaga. Si Wilson, Holly BSN 204-A. Nagsadya agad ako sa Nursing Building para hanapin ang sophomore na’to. Baka siya ang naglagay ng video file. Personal kong kilala yung Holly Wilson na yun pero nakauwi na daw ito.
Mga 7pm na nang pauwi na’ko at di ko dala yung itim kong Ford Fiesta Sedan. Kasama ko yung girlfriend kong si Ayame at nandito kami sa may 7-eleven. Sa ibang university sya, 3rd year BSBA.
“Hindi ka na ba talaga sasama sa’ken? Minsan na nga lang quality time natin sa sobrang hectic ng sked mo.” pagtatampo niya. Graduating na kasi ako ng IT at sobrang stress naman talaga. Napalingon ako sa likuran niya at parang nakita ko si Rikku na mag-isang naglalakad pauwe. Umaambon pa.
“Wag ka na magalit. Okay? Next time. Bawi ako promise. Stress lang talaga ko ngayon sa school.” hindi ko na binanggit sa kaniya na may krimen na namang nangyari sa school dahil mag-aalala na naman siya.
“Okay lang naman kung ayaw mong sabihin.”may lungkot sa boses niAyame.
“Aya, sige na. I’ll call you later. Bye!” hinalikan ko siya pisngi at pinasakay ko na sa taxi.
Sinundan ko si Rikku. Lumalakas na ang ambon, mabuti at may dala akong payong. Bakit hindi niya kasama si Shone? Bakit siya nagpapaambon at naglalakad lang pauwe? Masyadong delikado na lalo pa’t ngayong umaga lang ay natagpuang patay ang kaklase naming si Keiko.
BINABASA MO ANG
Thesis Book II
Mystery / ThrillerThe menacing defense from the foreboding Panel of Death.