Chelsea POV
Narinig ko lahat .. Ipag tatanggol nya ang kapatid ko kahit mapahamak sya .. Nakakainggit naman
"Mahal na prinsesa .. Nasa hapag ma po ang mahal na reyna at mahal na hari .. Andon na din po si prinsesa Elsea" sabi sakin ng isang alimango
"Ganun ba ? Salamat" sabi ko at lumangoy na papunta sa hapag kainan namin
Hindi ko alam kung bakit ako naiinggit .. Dapat nga diba gawin ko din yom dahil kapatid ko sya .. Dapat din protektahan ko si Elsea sa mga masasamang taong yon kase ate nya ako ..
"AYOKO NGA SABI SA LUGAR NA TO !" napatingin ako sa hapag kainan namin ng marinig ko ang boses ni Elsea .. Isang malakas na sampal ang ginawa sa kanya ni Papa
"Papa!" tawag ko kay papa dahil sasampalin nanaman nya si Elsea .. Lumapit ako kay Elsea at niyakap sya "Papa ,ano po ba ang naisip nyo at sinampal nyo si Elsea ?" medyo inis pero may galang pa din na tanong ko
"Yang kapatid mo .. Itatakwil ang lahi natin para lang sa taga lupang yon !" galit na sabi ni papa
Nagulat ako ng itulak ako palayo ni Elsea at tsaka masamang tumingin samin "Talagang itatakwil ko ang lahi natin ! Wala naman silbi pagiging serena ko ! Mas gusto ko pa maging tao kesa maging serena !" sigaw nya samin
"Elsea ,ano ba yang pinag sasabi mo ? Kahit maging tao ka kung may ibang makaalam sa katauhan mo pedi ka nilang saktan ! Masasama ang mga tao Elsea !" sabi ko
"Ah talaga ? Pano mo nasabi ? Bakit nakasama mo ba sila ng matagal ? Hindi diba ? Kaya wag mo silang ija judge dahil hindi mo alam ung sayang pinaparamdam ng mga taong kaibigan ko ! Dito sa karagatan puro lang ikaw ! Ikaw ! At ikaw ! " galit na sabi nya sabay tulak ulit sakin "Yung mga taong jina judge nyo ay yung mga taong nagpapasaya sakin !Sila ang nag paramdam sakin na mahalaga ako ,na may silbi ako ! Sila ang nag bibigay ng atensyon sakin ! DITO SA KARAGATAN PURO MALI KO LANG NAPUPUNA NINYO !! HINDI NAMAN AKO NAGIGING MASAYA SA LUGAR NA TO !" sinasabi nya yan habang tinutulak tulak nya ko .. Hindi ako nalaban dahil alam kong galit sya samin
BINABASA MO ANG
The Demon Prince and The Importunate Angel
FantasyMay Isang prensipe ng mga Demonyo na maiinlove sa makulit na Anghel Pero hindi nila alam na mag kaiba sila..