Chapter 47: Ano Ba Ang Kaya Mong Gawin?

1 0 0
                                    

Haruhi's POV

"Sora ,pano mo nalamang nandito ako ?" tanong ko habang inalalayan akong tumayo

"Nalaman lang namin dahil kay Dark " sagot naman nya at iniabot ang wooden cross ko

"Sora .. kailangan kong makita si Daemon" ani ko at akmang lilipad na sana pero pinigilan ako ni Sora

"Wag na Haruhi ,masyadong mapanganib . Nagsimila na ang digmaan kailangan muna natin tulungan ang mga tao dahil sila ang pinupuntirya ng mga demonyong to" seryosong sabi ni Sora sakin

"Pero kase Sora .. " tutol ko sana

Humarap naman sya sakin at makikita ko sa mga mata nya ang pagka seryoso ,parang ngayon ko lang sya nakitang sumeryoso "Haruhi ,tatanungin kita . Handa mo bang talikuran ang taong mahal mo para sa mga taong kailangan nating protektahan o handa kang tumalikod sa mahal na panginoon at sa mga taong kailangan nating protektahan para sa taong mahal mo ?" seryosong tanong nya

Hindi naman agad ako nakasagot napatingin ako sa wooden cross ko .. Kailangan ako ng mga tao at kasalanan sa mahal na panginoon kung tatalikuran ko sya para lang sa taong mahal ko .. pero kase..hindi ko kayang talikuran si Daemon .. Mahal ko si Daemon

Naramdaman kong hinawakan ni Sora ang pisngi ko ,pinunasan nya ung tumulong luha "Alam kong mabigat Haruhi pero isa lang ang maaari mong piliin" kalmado na nyang sabi

Hindi ko naman mapigilang di mapahagulgol sa harap nya at mahigpit na hinawakan ang wooden cross "Pasensya na Sora .. Pero nakapag desisyon nako" sabi ko at ini-spread ang pakpak ko "Handa kong talikuran ang lahat para sa taong mahal ko kahit na parusahan pako" seryosong dugtong ko

"Pasaway ka talaga" ani nalang ni Sora at pinat ako sa ulo

Nag handa na kong lumipad ,may mga humaharang sakin pero di ako nag papatinag . Nung may aatake na sana sakin mula sa likod ay may tumulong sakin na isang anghel . Sya ung kalaban kanina ni Lucifer ah . Nakita ko si Sora na nakikipag laban na kay Lucifer ,marahil sya ang pumalit sa lalaking to

"Salamat" nakangiti kong sabi at tinanggal ung wig ko , nakalimutan ko kaseng nakasuot pako ng wig . Pagkatanggal ko ay agad na lumiwanag sa paligid maraming demonyo at halimaw ang nasilaw ang iba naman at parang naging abo

Napansin kong tinakpan ng anghel na katabi ko ung mukha nya kaya napatingin ako sa kanya

"Ayos ka lang ba ?" tanong ko

Tumingin naman sya sakin at sandali kaming nakapag eye contact pero agad din syang umiwas ng tingin . Sa di maipaliwanag na dahilan parang nakaramdam ako ng kakaiba ,parang sinasabi ng puso ko na kilala ko sya

"Saan ka pupunta?" tanong nya akin ,bakit parang iniiba nya ung boses nya ?

"Hahanapin ko si Daemon . Hindi ako susuko sa relasyon namin handa ko talikuran ang mahal na panginoon at ang mga taong kailangan protektahan mapatunayan ko lang ang pag-ibig ko sa kanya" seryoso kong sabi

Lilipad na sana uli ako para makalayo na dahil wala na rin namang nasugod samin ng bigla nya kong yakapin mula sa likod na ikinagulat ko

"Delikado , panigurado di rin sya papayag kapag ginawa mo yan . Nakipag hiwalay na sayo ung loko na yon diba ?" malambing na sabi nya

Bakit ganto ? Kakaiba talaga ung nararamdaman ko ?

Sinubukan ko namang tanggalin ung kamay nyang naka yakap sakin pero mas lalo lang nyang hinigpitan "Bitiwan mo ko ,alam kong maaayos pa namin to " sabi ko habang sinusubukan ko pa ring tanggalin ung kamay nyang nakapulupot sa bewang ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon