"I was a girl in the village doin' alright then I became a princess over night—"
"dianne ano ba ang ingay" naiiritang sabi ni kim
"Guys please damayan nyo nalang kasi ako, wag na kayo mag review" nakangiting sabi ni dianne
"Bobo talaga neto"ani kim
"tang-, ano ba! Isip bata mga 'to, wala tayo sa videokehan hoy!"Inis na saway ni triz
"asus nagsalita leader ng mga isip bata" ngisi ni kim
"ano ba kayo, mag concentrate na ngalang kayo. Pag kayo bumagsak, walang iiyak ha" naiiritang sabi ko.
Hindi padin sila natahimik at nag aaway ng bumubulong, iyong tatlong yon hindi talaga nag papatalo, buti nga ay wala si pearl. Isa din yon e.
ako,jem,pearl,kim,dianne at trizha simula high school ay mag kakaibigan na kami, buti na nga lang ay pare pareho kaming nilipatan ng school para mag college.
Si jem ay hindi pumasok kaya wala sya dito, may sakit daw sya sabi ni tita kanina sa call. Si pearl naman, ewan ko don pasulpot sulpot lang yon e, pero malamang sa malamang, nakay josiah yon. Boyfriend niyang siraulo.
Habang nag babasa ako may narinig daw si trizha na sumisigaw.
"asus guni gun-" naputol ang sinasabi ni kim ng marinig naming lahat ang malakas na sigawan sa labas ng library.
Lumabas kaming lahat para tignan kung ano ang nang yayari doon. Laking gulat ko ng makita si justin, si justin na boyfriend ko hawak ng isang matangkad na lalaki sa kwelyo na may dugo sa labi. Mabilis akong tumakbo para mapigilan 'yong lalaki. Nang makita ako ni justin, nakita ko ang pamumutla ng kanyan mukha. Tinignan ko ng masama iyong lalaki.
"Anong nangyayari? Bakit...... ganito?" Baling ko kay justin.
"b-babe uh-"
"He's cheating on you" matigas na sabi nung matangkad.
Mag sasalita na sana ako ng biglang may sumigaw
"Devin!!" Sigaw ng naiiyak na babae
d-devin? He is devin? What the hell!
YOU ARE READING
Another promise that you'll broke
RomanceYou ever wake up and feel like alot have changed