"hoy bilisan nyo naman, malalate na tayo" kinakabahang sabi ni jem
"hoy pearl bilisan mo kasi!" Pagalit na sabi ni trizha
"Eto na, eto na. Tara na" naiiritang tugon nya.
Sabay sabay kasi kaming pumasok, iyon ang naka sanayan na namin. Hindi na sila nasanay sa katagalan kumilos ni pearl. Grade nine kaming lahat, kaso hindi kami mag kakaklase. Naisip naming ipinag hiwalay talaga kami ng aming mga magulang dahil alam nila na hindi kami makakapag aral ng mabuti kung kami ay mag kakasama.
Si trizha ay mag isa sa isang section, halos maiyak nga sya ng nalaman nya na wala syang kasawa ni isa saamin. Si kim at dianne ay mag kasama, si jem, pearl at ako naman ang mag kakasama.
"Osya na pasok na kami" ani dianne tyaka sumenyas kay kim na umalis na sila
"triz una na kami, seeyou mamayang lunch" tugon ko
"Seeyou" ani trizha na parang nasanay na pumasok sa silid nila ng mag isa, marami namang kaibigan si trizha sa mga kaklase nya kaya hindi nadin kami nababahala.
Nang makarating kami nila jem sa room, bigla nalang sumigaw yung teacher namin na ikinagulat ng lahat.
"Bakit ba lagi nalang kayong late?!" Anang teacher na umuusok sa galit.
"hala pangalawang beses palang to no" bulong ni pearl na kaming tatlo lang ang naka rinig.
"Sorry we're late miss" ako
"Sit down"
"Sus ginawa nanaman tayong aso ni sura" irap ni pearl
Nag simula ng mag rap ang teacher namin, at syempre wala kaming naintindihan, ang bilis nya mag salita, para syang laging hinahabol.
tumunog agad yung bell kahit hindi pa tapos itong pangatlong subject namin. Kaya pina labas na kami at ututuloy nalng daw mamayang hapon. Kaming tatlo nila jem ang nauna sa canteen habang hinihintay 'yong tatlo.
"Gets nyo ba yung sa science?" Boring na tanong ni pearl
"Medjo" naiinip na sabi din ni jem
"Sabi ni sura kanina bago daw tayo umuw-"
"GIRLS!!" Sigaw ni dianne nang makita kami sa table
"Hoy parang ang tagal di nag kita ah" natatawang sabi ni pearl.
"Order na tayo, gutom na yan si dianne kaya sobrang ingay" iritang sabi ko
"gutom ka na din kasi pikon ka na" tumatawang sabi nya
Inirapan ko sya at nauna ng pumunta sa pila. Sumunod sakin si jem para umorder na din ng kanya. Naiwan yung apat para bantayan yung table namin.
"Nandyan crush mo" kinikilig na bulong ni jem saakin.
lumingon lingon muna ako sa buong canteen
bago ako sikuhin ni jem."nasa table natin gaga" turo nya sa table namin.
Pasimple akong tumingin sa table namin kung saan naroon sya. Si devin. Siya yung crush ko. Crush ko na sya simula grade 6 palang. Gwapo sya, sobrang talino, matangkad at mabait. Naramdaman ko ang init ng akong pisngi ng nakita nyang nakatingin ako sakanya tas biglang kumaway.
"Bat nandon yon?"
"Aba malay ko, teka itatanong ko" sabi ni jem na aakmang lalakad na papunta doon.
Agad ko syang pinigilan dahil sa sobrang kaba na baka itanong nya talaga. Tinignan ko sya ng masama pero inirapan nya lang ako, 'to talaga parang ewan.
YOU ARE READING
Another promise that you'll broke
RomanceYou ever wake up and feel like alot have changed