Pag balik ko sa room namin ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Wala sila jem at pearl dito dahil may 10 minutes pa. Umupo muna ako sa pwesto ko para sana kunin yung librong ipinahiram sakin ni kim. Bigla kong naalala ang nangyari kani kanina lang
Bakit kaya nandoon si devin sa locker room ng girls at sino yung nakita ko kanina? Naputol ang pag iisip ko ng sabay sabay dumatin sila kim sa room.
"teh mamaya sa bahay namin ha" ani kim
"Anong meron?" Tanong ko
"Mag rereview nga tas kakain" tuloy ni kim
"hindi ka kasi nakikinig kanina porket sinubuan ka ni dev" singit ng epal na si dianne
"Pakyu" sabi ko at tinaas pa ang middle finger
"Pag ako talaga natuto nyan" rebat nya pa
"Tara na dami mong dada bwct ka" yaya ni kim kay dianne.
"Hintayan nalang tayo sa gate lumi, kung sino mauna lumabas" ani nya
Tumango nalang ako at lumabas na sila. Saktong pag labas nila sa pintuan ay papasok sila pearl. Nakitang nag hampasan pa si pearl at kim bago tumuloy.
"Ba't nandito mga yon?" Ani pearl
"Kita kita nalang daw sa gate" tugon ko
"ha? Anong meron?" takang tanong nya.
"Alis pa" singit ni jem.
"Kila kim daw tayo after dito, review tas dinner siguro. Mag paalam ka pearl, para hindi mag kanda matay mama mo sa kakahanap sayo." Sabi ko pa
Tumango lang sya at sumenyas ako na umupo na kami. Saktong dumating na yung teacher namin kaya nanahimik ang lahat.
Mabilis natapos ang klase kaya agad nag impake ang mga classmates namin, ready ng umalis.
"ano pang hinihintay nyo?" Ani jem
"Teka ibabalik ko lang tong damit ko sa locker" sabi ko. Umaasanh madatnan ko yung lalaki kanina. Tumango lang si jem.
"Samahan na kita, ihahabot ko din to kay job" sabi ni pearl. Sabay kaming napairap ni jem at tumawa lang si pearl.
Naibalik ko naman ng payapa ang damit ko, hindi ko na ulit nakita yung lalaki kaninang umaga at naibigay na din ni pearl yung ewan kay job
"Nasa gate na daw silang lahat pati si jem" sabi nya. Tumango lang ako at nag lakad na kami papunta sa gate.
Nang makarating na kami ay nandon na nga silang lahat.
"Tagal nyo naman pucha, kanina pa nag hihintay si papa" ani kim.
"Maka reac ka parang tatlong oras kayong nag hihintay dito" umirap na sabi ni pearl.
"Tara na" awat ni trizh
Nag lakad na kami papuntang parking lot. Naka van si tito pero hindi parin kaming kasya lahat.
"Gago usog" ani pearl
"Bobo narinig ka ni papa" ani kim tas sinapak si pearl. Tumawa lang si pearl at umirap
Pag dating namin sa bahay nila kim agad kaming inasikaso ni tita.
"Oh nandyan na pala kayo, pumasok na kayo nag handa ako ng miryend para sainyo, nasa lamesa." Ani tita teresita
Sabay sabay kaming nag mano kay tita at pumasok na. Hindi ganoon ang kalaki ang bahay nila kim pero malinis at mabango.
"Pustahan hindi tayo mag rereview" ani dianne
"Exactly, sinabi ko lang yon para sumama si lumi at jem" natatawang sabi ni kim.
"Para namang gusto naming mag review tanga" sumbat ko.
Nag tawanan kaming lahat at napag desisyonan na manuod nalang ng horror movie.
Nasa sala kaming lahat, nag latag si tita ng maliit na foamsa sahig. Si kim at trizh ang nandoon sa foam, si dianne at jem sa malaking sofa, at kami ni pearl sa dalawang maliit na mag katabing sofa.
"Nag paalam ka?" Tanong ko kay pearl.
"Hindi" bulong nya. Hinampas ko sya ng malakas at tumawa.
"Ako bahala, mag babaon ako ng dalawang dahon mamayang pauwi" anya habang tumatawa.
Saktong pag tapos ng movie ay biglang pumasok si tita para sabihing kakain na. Lagi kaming dito tumatambay dahil sagana sa pag kain.
Madaming ulam ang nasa hapag pero isa lang ang target naming lahat.
Buchi.
Umupo na kaming lahat habang tinawag ni kim ang papa at kapatid nya.
"Tita thankyou po sa food" sabi ko
Ngumiti lang si tita at nag simulang mag sandok ng pag kain nya
"Nga pala uuwi na daw si thea, sabi ng mama nya." Masayang sabi ni tita dahil hindi nya naman alam kung anong nangyari.
Natahimik ang lahat lalo na si dianne. Pag labas ni kim, alam kong nabigla sya dahil hindi naman kami natahimik ng ganto.
"Anyare? May dumaang anghel ba? Asan?" Tangang tanong nya.
"Babalik na daw si thea" sabi ko. Tinitignan ang reaction nya
Natahimik din sya at hindi na nag salita pa. Tumawa si tita at sinabing kumain na kami.
Sana bumalik pa sa dati kapag dumating na sya.
YOU ARE READING
Another promise that you'll broke
RomanceYou ever wake up and feel like alot have changed