Kasunod na araw nag karoon kami ng practice kaya nag hintay lang kami sa school ng 1 Oras. Habang wala kaming ginagawa ni Avan (kaklase ko) naisipan ko na mag chess kami kaya kinuha namin ang chess board sa library. Habang naglalaro kami biglang dumating ang tropa ni Justin. Pinilit ni John (tropa ni Justin) na mag laban kami kaya nakipag palit siya kay Avan. Tatlong beses ko siyang natalo at biglang sumisik si Justin sa tabi ko kaya nagulat ako pinilit niya ako na makipag palit sa akin pero ayaw ko kaya kinikiliti niya ako sa may baywang kaya kinilig ako. Nang natapos kaming maglaban ni John nagpalit kami ng puwesto ni Justin. Habang katabi ko siya nanginginig yung katawan ko ibig sabihin sobrang kinilig yung katawan ko. Nanood ako sa tabi niya at biglang dumating yung teacher namin at kinuha yung chess board kaya natigil yung laro namin.
*Panira naman ng moment to si teacher =/ !!!

BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo (UNEDITED)
Teen FictionPaano kung may crush ka sa isa mong kaklase pero hindi mo ito pinahahalata sa kanya at hindi mo rin alam kung may gusto siya sayo? Sana po basahin niyo ang kwento ko mag comment o mag vote kung nagustuhan ninyo ang kwento ko salamat! ^^ Nakakakilig...