Ano nangyayari sa buhay ko??? Bakit nangyayari yung napanaginipan ko!!!
Dito nagsimula ehh, habang 1 hour break namin sa school pinuntahan ako ni Karen sa classroom. Inimbitahan nya ako na umikot ikot ng school, kaya sumama naman ako kasi hindi kami masyado nagkikita at close friend ko sya. Bigla nya nalang akong inibitahan na puntahan daw namin yung classroom ni Justin , kaya nagulat ako at pinigilan ko sya at naalala ko nga pala na wala na akong pake sa kanya kaya pumunta kami. Nung nandun na kami sa may pintuan ng classroom nina Justin ay may mga nakatambay na kaklase nya kaya, tinanong sila ni Karen, "Nasan si Justin? ". Sabi naman nung isang lalaki "Bakit, sino yang kasama mo? " tanong nung lalaki, sagot naman ni Karen "Girlfriend nya ". Biglang kumunot yung ulo ko kasi kakabreak lang nila nung ex nya last month tapos ako pa yung sinabihan ni Karen na gf nya! Umalis na kami kasi naiinis ako kay Karen at pumunta na kami sa mga sarili naming classroom.
Kinabukasan nakipag chat sakin si Karen sabi nya "Tiba tinanong natin yung kaklase ni Justin kung nasan sya kahapon, tapos tinanong nung lalaki kung ano nya tayo, sabi ko gf ka nya, tapos tinanong nung lalaki kay Justin kung totoo ba " sabi ni Karen, at tinanong ko "tapos? ",sabi nya sa susunod na kabanata daw, nakakainis talaga si Karen,sabi ko pag nagkita kami sabihin nya. Kaya nung nagkita naman kami tinanong ko sya, sabi nya "sabi daw nung lalaki sa kanya, sagot ni Justin OO daw ". Nagulat ako dun , kasi nga kakabreak lang nila nung ex nya at nakapag move on agad!!! Totoo ba to?! Nangyayari ba yung nasa panaginip ko?! Hindi nya nga ako niligawan tapos kami agad!!!
Mag comment po kayo kung sa tingin nyo totoo ba yung sinabi ni Justin sa lalaki na totong gf nya ako???
-kjoydelmundo

BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo (UNEDITED)
Teen FictionPaano kung may crush ka sa isa mong kaklase pero hindi mo ito pinahahalata sa kanya at hindi mo rin alam kung may gusto siya sayo? Sana po basahin niyo ang kwento ko mag comment o mag vote kung nagustuhan ninyo ang kwento ko salamat! ^^ Nakakakilig...