Reporting...

129 8 5
                                    

Ngayong araw ay may report kami sa EPP kaya nag aral ako ng mabuti. Medyo na late ako sa pagpasok dahil puyat ako kaya medyo late ako. Pagpasok ko sa classroom absent yung katabi ko tapos nakaupo si Justin sa tabi ng upuan ko kaya gulat na gulat ako. Naririnig ko rin sila na ehem ng ehem kaya naiinis ako. Hindi ako makaupo sa upuan ko kasi nga katabi ko si Justin kaya kinakausap ko nalang si Stephanie. Usap lang kami ng usap hanggang sa nagsimula na ang klase.

At nang nagsimula na kaming magreport kagrupo ko nga pala si Justin kaya kinakabahan ako (joke). Nang nagbabasa ang isa naming kagrupo nililipat nila si Justin sa tabi ko kaya di ko sila pinapansin para hindi ako paghinalaan ni Justin at bumalik nanaman siya sa pwesto niya kaya biglang lumuwag ang hininga ko pero ehem pa rin sila ng ehem (*anooo baaa namannn yannn)

Nang nagbabasa na si Justin at natapos siya pinipilit niya na magbasa naman yung isa namin na kagrupo pero ayaw nila kaya no choice ako ang tinanong niya at parang nahihiya siya sa akin kaya nagtataka ako. Maraming nangyari ngayong araw na ito kaya nag update na ako at request ito ng mga kinikilig kong mga kaklase !!! >_< ~_~

Simpleng Tulad Mo (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon