AYKG 45: Come back to me

8.8K 212 36
                                    

***

[ Grey's POV ]

Halos magwala ako ng makita kong hinalikan ni James si Silver.

P*ta! Ano bang laro ang ginagawa niya?!

Kasi hinding-hindi ko siya susukoan lalo na't si Silver ang pinaguusapan dito.

" Letche talaga 'yang Mendez na 'yan! Tinago niya lang si Silver sa'tin! " galit na wika ni Gold na pinigilan naman ng asawa niya.

" Calm down babes. I'm sure may dahilan si James kaya niya nagawang itago sa'tin ang lahat. " giit naman ni Drake.

" Ang dahilan naman niya ay masolo si Silver. D*mn that asshole! For all this years naging baliw ako sa pagkawala niya pero tinago lang pala siya ng putanginang 'yan!? " hinampas ko ang mesa at pinakalma agad ako ni Michael.

" Tama si Drake dude. Maybe he has a reason, big reason why he did that." Saad ni Michael sakin.

" Now let us here the speech of this lovers.." anunsyo ng emcee..

" Hey.." pag-uumpisa ni Silver. Halos lahat sila ay pinipigalan ako ngayon dahil akmang tatayo ako pero malakas talaga silang lahat. Tsk!

" Thank you for coming here guys. It's been a year since we saw each other, right? Well, all of you asked me if what is the main reason why I conducted this event. " I miss you so much wifey ko..

Boses pa lang niya ang sarap ng pakinggan. Mata pa lang niya sarap ng titigan.

Gusto ko siyang lapitan at yapusin ng yakap. Gusto ko siyang halikan na para bang kami lang ang tao sa mundo.

Gusto ko siyang kulitin ulit. Gusto ko siyang makitang nakangiti sakin lang. Gusto kong makatikim ng batok niya kahit weird pakinggan.

Gusto ko siyang sabihan ng mahal kita.. para maasar siya at mamula pagkatapos hahabolin niya ako at hahampasin ng walis tingting.

Gusto ko siyang.
.
.
.
.
.
.
.
Bumalik na sa'kin..

" Well the reason why I conducted this event is..



I'm getting married." Nanlamig ang buong katawan ko ng sabihin niya yun.

Agad akong nakawala sa pag pigil nila sakin. Pumunta ako sa stage at agad siyang hinila palabas..

"Ano ba!" Reklamo niya habang tinatanggal niya ang pagkahawak ko sa pulso niya.

Wifey wag ka namang ganyan o. Nasasaktan na ako..

Tumigil kami sa rooftop ng hotel. Binitawan ko siya at akmang aalis siya ay hinila ko siya at isinandal sa wall. I cornered here using my hands.

" Ano ba! Kanina ka pa ah! " bulyaw niya sakin.

Pinipigilan ko ang mga luha kong tumulo. Looking at her right now is enough to cover all the hatred I felt when I heard that she chose James over me.

" Wi-wifey.." pumiyok ako ng sabihin ko yun. Natigilan naman siya sa pagwawala at tinitigan ako.

" A-anong sabi mo? " tanong niya habang titig na titig sakin.

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Nanghihina ang tuhod ko sa mga titig niya.

Ang YAYA Kong GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon