Special Chapter (2)

11K 248 3
                                    

 At dahil sembreak na! Tantanan! Ang dami ko ng time makapag UD! MAg bunyi tayo! HOHO.. Well enjoy reading guys ^___^

NOTE: Hindi ko po binold yung mga kataga nila kaya sorry po. Hehehe...

Special Chapter (2)

Ang Fan family ay isa sa mga pamilyang hinahangaan ng lahat. They are called perfect family. Ngunit may isang sekreto ang hindi nag papatahimik sa babaeng si Sheen Fan.

Isang sekretong siya lang ang nakakaalam.

Araw-araw aalis siya sa bahay nila upang puntahan ang isang lugar . Ang isang lugar kung saan nakatago ang sekreto niya.

Pag dating niya dun ay agad niyang ginawa ang dapat niyang gawin. Ginawa niya ang lahat upang maidali ang pag lutas sa problemang dinadala niya.

Pag katapos niyang gawin ang mga gawain niya ay agad siyang umalis sa lugar na'yun. Ang hindi niya alam ay may nakasunod na pala sa kanya.

" What's in there honey? " isang makatindig balahibo ang bumalot sa kanya nung nakasakay na siya ng kotse.

"A-anong ginagawa mo dito Kris? " utal niyang tanong sa asawang hindi maipinta ang mukha.

" Ikaw ang dapat kong tanongin niyan. " walang ka emo-emosyong saad nito sa asawa.

" May ginawa lang ako. " flat niyang sagot.

" Out. " Kris commanded and as a blink of an eye nakalabas na ang mag asawa sa kotse.

" Kris wag! Wag kang pumasok diyan! " pigil ng kanyang asawa.

Binuksan ni Kris ang isang abandoned building at may nakita siyang isang bagay na ikinagalit niya ng husto.

Ang YAYA Kong GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon