AYKG 8: Smile

20K 449 14
                                    

Chapter 8: Smile

***

[ Silver's POV ]

Now playing: Come back home by 2ne1

Yan ang unang bumungad sa umaga ko, meron kasing speaker sa kwarto na'to na galing sa kwarto ni tipaklong kaya rinig ko lahat ng kaekekan niyang music. Pag dilat ko ang tahimik ng paligid, wala ang mga sigaw ni Tanda, nag bihis ako ng short shorts at gray sando (my favorite color). Bumaba ako at chineck kung anong oras na, pag tingin ko it's already 5:00 a.m in the morning. Late na akong nagising, palagi kasi akong gising pag sapit ng 3:00 a.m. devil's hour? Yup, tsk!

Pumunta ako sa labas kung saan makikita ang pool at nagsimula mag push up's, curl up's at seat up's. Pagkatapos kong gawin ang 500 na mga warm up nayun, nag yoga ako para kahit minsan tatahimik ang utak kong puno ng galit . Pagkatapos nun naligo na ako at sinuot ang pang maid na damit na binigay sakin ni Grey tipaklong. Tss, too girly.

Paglabas ko agad kong nilinis ang pool at sala, malaki pa naman 'tong bahay nila baka maabutan ako ng bukas sa paglilinis pero may kasama naman ako kaya okay lang, ayoko pang magpakilala sa kanila tinatamad ako.

" YAYA! Clean my room impromptu! " Sigaw ni 'seniorito' galing sa taas. Umakyat naman ako at pag bukas ko sa kwarto niya nakita ko siyang nakahiga na half naked, tss. Sanay na ako sa mga ganyan, tae siya pag naisip niyang pinagnanasaan ko siya.

Nagsimula na akong maglinis sa kwarto niya ng may utos na naman si kamahalang tipaklong.

" YAYA, bigyan mo ako ng juice! " sabi niya -_____-. Naalala ko na naman yung first met namin.

Bumaba ako para kunan siya ng juice, umakyat na ako pagkatapos nun. Binigay ko sa kanya ang juice at nag smile naman ang aso kaya ayun tinuloy ko ang trabaho ko. Nasa gitna na ako ng paglilinis ng may nabasag

*Bugsh* Nahulog ang baso.

" I want some juice na naman YAYA!"

Nangiinit tuloy ang dugo ko, parang sinadya niya yun ah. Nilinis ko ang nabasag na baso at may utos na naman si tipaklong.

Bumaba ako at nag timpla ng juice. Juice pala ha? He wants to taste a green orange huh?

DAN.DAN.DAN.DALANDAN.

Umakyat ako at binigay sa kanya ang juice. After how many minutes.

" Thatha! Anong duse tho?!"

Napatawa ako ng wala sa oras pero 'di ko pinahalata sa kanya.

" Green orange" sagot ko sa kanya

" Thhuuuuuubig! Thuuuubig! " command niya

Pero hindi ko siya pinakinggan. Nag linis lang ako dun sa bintana niya. Ng walang ano-ano pumunta siya sa cr.Baka naman yung nasa bowl na tubig ang inumin niya ha. Tsk!

Alam niyo ba kung ano yung juice? Paminta at calamansi lang naman yun ah, tapos may kunting sili (marami) na kulay green.

Nag patuloy lang akong mag linis ng may utos na naman siya.

" YAYA! Gutom na ako, dalhan mo ako ng pagkain! Ikaw dapat ang magluto huh!" utos niya

" opo SENIORITO " tae siya!

Bumaba ako at tiningnan ko kung ano ang meron sa ref, nag insist si Manang na siya na lang  ang magluluto kaso sabi ko dapat raw ako, kaya pinabayaan niya ako. Nag luto ako ng bacon and eggs sa kanya, pagkatapos nun kumuha ako ng milk at rice. Umakyat na ako, pag dating ko dun, nakaupo na siya at ang laki ng ngiti niya. Nilapag ko ang pagkain gamit ang maliit na table, aktong aalis na sana ako ng may sinabi siya.

Ang YAYA Kong GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon