Chapter Twenty

294 7 1
                                    

Days turned into weeks, weeks turned into months. May ngiti sa mga labi na binilugan ni Cali mula sa nakasabit na kalendaryo sa dingding ang araw ng kanilang anibersaryo.

Marami na rin ang mga pangyayaring naganap sa kanilang buhay magbuhat ng magsama sila sa iisang bubong ni Drake. Maraming mga pagsubok na rin ang ibinato ng kapalaran sa kanilang pagsasama, ngunit sa awa ng Diyos, heto silang dalawa at malapit ng madiwang ng kanilang unang anibersaryo.

Batid ni Cali na hindi lamang puro saya at ligaya ang kakaharapin nila, lalo pa at tila hindi yata titigil ang mama ni Drake sa pagpapahirap maging sa sariling anak, mapabalik lamang ang binata. Drake stood his ground, kahit pa binawi ng ina rito ang lahat halos ng mga materyal na bagay na mayroon ito - his car, money, assets na nasa pangalan nito.

They started out living in a condominium unit na kanilang inupahan and then later on had to transfer to a smaller house in a more ordinary neighborhood dahil sa nahirapan na rin silang pagkasyahin ang sinasahod ng asawa bilang part-time intern sa isang management firm.

Drake is majoring in Business Management, at ilang buwan na lamang ay makukuha na nito ang diploma. He promised her that once he finished his internship and lands a position, siya naman ang pababalikin nito sa unibersidad para ituloy ang ilang semestreng naiiwan sa kanyang kurso.

Drake is man with a pride almost as high as the mountains, kahit pa nahihirapan itong pagsabayin ang pag-aaral at internship ay mahigpit nitong tinutulan ang mungkahi niyang magtrabaho muna upang makatulong. Mabuti na lamang at napapayag niya ito sa mga online projects na paminsan minsan niyang nakukuha gamit ang isang online platform kung saan iba't ibang mga propersyonal ang maaring tumanggap ng mga proyekto gamit lamang ang internet. Kahit paano ay nakatulong din ang kinita niya sa kanilang mga bayarin.

Muli siyang naupo sa harap ng computer at ipinagpatuloy ang ginagawa nang mapatuon ang mata niya sa suot na singsing. Dalawang singsing ang nakasuot sa kanyang kaliwang palasingsingan. Isa ang kanilang wedding ring at ang isa ay ang singsing ni Drake na ibinigay sa kanya as an engagement ring. She had to put rolls of tape underneath the ring upang hindi iyong tuluyang mahubad sa kanyang daliri dahil sa malaki iyon.

She took off her engagement ring at inalis ang patong-patong na rolyo ng scoth tape na nakapaikot sa ilalim. She then took off her necklace at inilagay roon ang singsing bilang pendant. She smiled as she ran her fingers over it.

This is where you'll always be Drake... close to my heart.

Hindi namalayan ni Calista na nakaidlip siyang padukdok sa hapagkainan, sa kanyang harapan ang kanina pa nakahaing pagkain na hindi nagalaw. Agad niyang nilinga ang relong nakasabit sa dinding. 2:00 A.M. Wala pa rin ang kanyang asawa?

May pag-aalalang umahon sa kanyang dibdib. Drake has never come home this late before. Kung gagabihin man ito ay tiyak na laging tumatawag. Inabot niya ang cellphone at pinidot ang numero ng asawa.

The number you are calling is either unattended or out of coverage area...

Lalong sumidhi ang pag-aalalang kanyang nararamdaman. Tinungo niya ang bintana at sumilip. Tahimik ang daan at wala ni isang tao ang naglalakad.

Should she call the police? Would that be too exaggerated? She paced the living room back and forth, habang muli ay idinial niya ang numero ni Drake.

Napapitlag siya nang magring ang kanilang doorbell. Patakbo niyang tinungo ang pinto at maingat na sumilip. Si Vince! Halos buhat nito si Drake na tila lasing na lasing at halos hindi makatayo. Dali daling binuksan ni Calista ang pinto.

"Vince! A-anong nangyari?!" Tarantang tanong niya na nilapitan ang asawa at maingat na tinulungan si Vince upang ipasok ang asawa.

"I'll tell you later, where's the room?"

Minsan PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon